Patuloy kitang mamahalin
hanggang sa ma-realize mo na mahal mo na rin ako…”
Isa lang naman ang hinahangad ni Nimfa? ang makatagpo ng lalaking magmamahal at pag-uukulan siya ng atensiyon. A man who was a keeper. Sa kasawiang palad, tatlong beses na siyang bigong mahanap ang lalaking iyon. Pero nang dumating si Rayjen Castillejo sa kanyang buhay, tinanong niya ang puso kung handa na ba itong sumugal muli.
“Then, you can give up everything for me?”
“No,” mabilis nitong sagot.
“You are my everything Nimfa and I just can’t give you up.”
Chapter 1
BALIK-TRABAHO na si Nimfa matapos ang ilang linggong pamamahinga niya. Sa totoo lang, hindi pa sapat ang mga araw na iyon upang humilom ang sugat sa kanyang puso. Hindi naman kasi talagang madaling bumangon mula sa sakit na dinanas niya pero kailangan niyang magpakatatag. Tama ang abuela niya at ang kaibigang si Izel, hindi maaaring doon tumigil ang buhay niya. Hindi ang isang lalaki ang hahayaan niyang sumira ng buhay na pinaghirapan niyang mabuo.Walang tumikim ng ligaya na hindi umiinom ng luha pagkatapos. Pero, bakit ganoon? Sa ikatlong pagkakataon ay natikman na naman niya ang lupit ng pag-ibig. Una, ipinagpalit siya sa ibang babae at sa kaibigan pa niya; ikalawa, walang oras sa kanya; at ang ikatlo ang pinakamalala sa lahat?busy na nga sa trabaho ay nagawa pa siyang pagtaksilan! Well, iba palang trabaho ang inaatupag nito. Ang mambabae.
Doble-dobleng sakit ang natamo niya sa huling nakarelasyon, idagdag pa ang naudlot nilang kasal. Kung bakit ba naman pinaasa nito ang kaawa-awa niyang puso at pagkaraan nama’y lolokohin lang pala siya? Ang buong akala pa naman din niya ay kaiba si Kio Altamirano sa lahat ng mga nakilala niya. Hindi pala. Pare-pareho lang silang lahat?mga manloloko at mapagpaasa! Hindi ba talaga nakokontento ang mga lalaki sa iisang babae? Nasapo niya ang dibdib sa nararamdamang hapdi sa kaloob-looban niya. Nakatakas din ang ilang butil ng luha sa kanyang mga mata.
Marahas niyang pinahid ang humulagpos na luha. Kapagkuwa’y pinatay ang makina ng kotse. Taas-noo siyang umibis ng sasakyan. Pilit niyang pinasilay ang ngiti sa kanyang mga labi at pagkuwa’y binagtas niya ang daan papasok sa Magic Touch Salon. Ang salon na iyon ang dream come true nila ng matalik na kaibigang si Izel. Hair and make-up, spa, Jacuzzi at massage ang ilan sa mga serbisyo nila. Sila mismo ni Izel ang nagdisenyo ng kabuuan ng salon. Nagawa nilang mapalago iyon at nakakuha ng mga valued clients. Sa magkatuwang na pagsusumikap, isa na ngayon ang salon nila sa mga kinikilala sa buong bansa. Nag-eexport din sila ng ilang cosmetic products sa ilang panig ng bansa.
“Good morning, Ma’am,” bati sa kanya ng mga empleyadang nakakasalubong niya. Bagama’t masigla ang pagbati ng mga iyon sa kanya, mababakas naman sa mga mata ng mga ito ang pakikisimpatya sa nararamdaman niya. Bawat employee nila ay malapit na sa puso nila ni Izel. Pamilya na ang turing nila sa isa’t isa kaya ganoon na lamang din ang lungkot ng mga ito sa sinapit niya.
May isang hindi nakatiis at sadyang tinanong kung kaya na ba niyang magtrabaho. Nagtanan siya ng buntong-hininga bago nagawang sagutin ang tanong nito.
“Of course, I am capable of working already. At saka, hindi naman ako nagkasakit, ‘di ba? There’s nothing to worry about,” aniya, sabay martsa papasok ng kanyang opisina.
Ibinagsak na lamang niya nang basta-basta ang dalang bag sa couch na nandoon. Wari ba’y gusto na naman niyang humilata at mag-iiiyak pero hindi niya gustong masaksihan ng mga empleyada niya ang kalunos-lunos niyang sitwasyon. It was really hard pretending that she’s very fine, gayong hayun at parang pinupunit sa maliliit na piraso ang puso niya. Napakasakit!
Umupo siya sa executive chair at saka isinandal ang ulo roon. Santambak na ang trabahong iniwan niya. Kinuha niya ang folder sa isang tabi at sinuri ang nilalaman niyon. May new proposed project pala si Izel para sa salon. A membership card. Aabutin sana niya ang fountain pen sa isang tabi para aprubahan ang proyektong iyon nang mahagip ng mga mata niya ang isang magazine.
Natigilan siya. Hindi pa pala niya naibabasura ang magazine na iyon. Inabot niya iyon at saka binuklat hanggang sa makarating sa pahina kung saan nakalathala ang nalalapit na pagpapakasal ng kanyang ex-fiancé. Nagpatakan ang luha sa mga mata niya nang muli niyang binasa ang artikulong iyon. Kio Altamirano is marrying another woman?
Naging malaking kontrebersiya iyon na yumanig sa buong bansa. Bakit ba naman hindi, eh, ilang buwan bago inilabas ang balitang iyon ay masayang inanunsyo nila sa media ang pagpapakasal nila. Pagkatapos, biglang sumiklab ang balitang iyon. So terrific! Mas ikinagulat ng mga ito nang malamang sekretarya ‘di umano nito ang bagong bride nito. Oh yeah, ang babaeng lagi niyang pinagseselosan. Ang babaeng laging kasa-kasama nito sa business meeting. Ilang beses siyang naghinala pero nagtiwala pa rin siya sa sinabi nitong walang namamagitan sa kanila. Hindi ba’t kalakip ng pagmamahal ang pagtitiwala, kaya naman ibinigay niya nang buong-buo ang tiwala niya rito. Iyon ang pinakamalaking kamaliang ginawa niya. Kung tutuusin, may kasalanan din siya sa nangyari. Kung bakit naman kasi ang dali niyang magtiwala sa ibang tao?
Simula ng insidenteng iyon, gumulo ang tahimik niyang buhay. No, no. Nagsimulang gumulo ang simpleng buhay niya nang makilala niya si Kio. Kilala sa lipunan ang lalaki dahil ito ang nagmamay-ari ng pinakamalaki at pinakatanyag na construction firm sa bansa. Isinugal niya ang puso para lang maramdaman muli ang magmahal at mahalin. Masaya ang mga unang buwan ng relasyon nila. Hindi ito nagkukulang ng atensiyon sa kanya hanggang sa unti-unti ay nawawalan na ito ng oras sa kanya. Inunawa niya ito dahil alam niya kung gaano ka-hectic ang schedule nito. Gaya niya, nag-iisang anak din ito kaya sa mga kamay nito isinalin ang pamamahala sa business at properties ng pamilya nito. Kaya sige, pinagbigyan niya ang makailang beses na hindi nito pagsagot sa tawag niya.
Hanggang sa isang araw ay nagulat na lamang siya nang tumawag ito at niyaya siyang kumain sa labas. Sabik siyang makita ito kaya walang pasubaling tinanggap niya ang alok nito. Ganoon na lamang ang gulat niya nang sa gabi ring iyon ay nag-propose ito sa kanya. Iyon daw ang dahilan nang ilang araw na hindi nito pagpaparamdam sa kanya. Iniisip daw nito kung paano siya aalukin ng kasal. That was the best night she ever had. She accepted his proposal. Kinabukasan din ay isinaayos ang mga preparations sa kasal.
Maayos na sana ang lahat at abot na abot na niya ang pangarap na magkaroon ng isang masayang pamilya sa piling ng lalaking minamahal niya nang walang anu-ano ay… Naipikit niya nang mariin ang mga mata sa isang tagpong dumaan sa kanyang isipan.
Kasing ganda ng sikat ng araw ang ngiting nakapagkit sa kanyang mga labi. Papunta siya sa condo ni Kio. Plano niyang sorpresahin ito ng araw na iyon. She has with her the final design of their wedding invitation. Bawat makasalubong niya ay hindi niya nakakalimutang ngitian. In two weeks’ time, ikakasal na siya! Sino ba ang hindi magiging masaya, hindi ba? She couldn’t wait to be Mrs. Kio Altamirano.
Nang sa wakas ay nasa tapat na siya ng pintuan ng unit ng nobyo, inilabas niya ang duplicate key na ibinigay sa kanya ni Kio. Siya mismo ang nag-request niyon para in-case of emergency ay agad niya itong mapupuntahan.
Isinuksok niya ang susi ngunit nabigla siya dahil bukas na pala iyon. Ini-expect na kaya ng nobyo ang pagbisita niya? Imbes na isipin iyon ay dahan-dahan na lamang siyang pumasok sa loob. Napapailing siya nang matanawan ang damit nitong nagkalat sa receiving area. Isa-isa niyang pinulot ang baro nito ngunit napatda siya at tila tinakasan ng dugo ang mukha niya nang may makita siyang panty at bra. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pulang dress na nasa isang tabi. Napalunok siya. Her body was shaking.
Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng ungol na nagmumula sa silid ng nobyo. Naninikip ang dibdib at namimigat ang mga paa niya habang hinahakbang ang distansiyang nakapagitan. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang seradura.
“Honey, oh please…” narinig niyang ungot ng babae.
Doon na niya tuluyang pinihit ang pinto. Kapwa napatigil ang dalawa sa ginagawa. Agad-agad namang hinila ng babae ang kumot paitaas sa hubad nitong katawan.
“Ni-Nimfa…” anang boses ni Kio. Nagmamadali din itong kumuha ng itatakip sa katawan at pagkuwa’y lumapit sa kanya.
“Stop there. Huwag kang lalapit sa akin.” Namamaos ang tinig na sabi niya. Napatingin siya sa babae. Kilang-kilala niya iyon. Sa dinami-rami ng babae, bakit iyon pang sekretarya nito? Sinasabi na nga ba niya. Noon pa man ay hindi na panatag ang loob nya rito.
“Mga walanghiya kayo! Mga baboy kayo!” Hindi siya aalis doon na hindi nakakapagbitiw ng masasakit at maanghang na salita.
“Baby, let me explain…” Tinangka nitong lumapit at hawakan ang braso niya.
Iwinaksi niya ng kamay nito. “Don’t touch me! Baka kung ano pang germs ang kumapit sa akin!”
“It’s not what you think…”
Napatawa siya. “Oh, ano ba ang ginagawa ninyo? Nagkikilitian habang nakahubad? Naglalaro ng hide and seek at ang hinahanap ay ang mga damit ninyo? Oh wow! Perfect!”
“Nimfa, I’m sorry…”
“Kio, alam mo kung gaano ako nagseselos sa sekretarya mo, ‘di ba? Inggit na inggit ako sa kanya dahil lagi ka niyang nakakasama. ‘Tapos ito pala. Iyan ba ang business meeting na inaatupag mo, ha! Damn you! Kaya ba inalok mo ko ng kasal para mapagtakpan ang mga ginagawa mo? I will never ever forgive you, Kio! I hate you! Napakatanga ko na minahal kita!”
Iyon lang at tinalikuran niya ito ngunit may bigla siyang naalala. Bumalik siya at saka isinampal sa pagmumukha nito ang wedding invitation nila.
Kumawala ang iniimpit na hagulhol ni Nimfa. Napasubsob siya sa kanyang desk. Nasa ganoong ayos siya nang may pumasok sa kanyang opisina. Ilang segundo lamang ay may naramdaman siyang humahagod sa kanyang likuran. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Izel.
“Sinabi ko naman sa iyo na ako muna ang bahala sa salon, eh. You’re not yet ready. You’re not yet healed. You should rest pa,” anito.
“Best, what’s wrong with me? Ang sabi n’yo naman, maganda ako, sexy, matalino pero bakit gano’n? Bakit ipinagpalit ako ni Kio kay Lucille? Saan ba ako nagkulang? Dahil ba hindi ko ibinigay ang sarili ko sa kanya kaya siya ang pinili niya kaysa sa akin?”
“Ssh. Don’t say that. “ Hinawi nito ang buhok na nagsambulat sa mukha niya at saka iniipit sa likod ng kanyang tainga. “Wala kang naging pagkukulang. Si Kio ang mali. Maling-mali na pinakawalan niya ang isang tulad mo. Pero, okay na rin ang nangyari, eh. You don’t deserve a man like him. He doesn’t worth your tears. He doesn’t deserve your love.”
“Hindi ko pa rin maintindihan. Bakit lahat na lang ng minahal ko, eh, ipinagpalit ako sa iba?”
“Kasi bulag sila. Hindi nila nakita ang importansya mo. Start moving on, sis. Someday, you will meet someone. Isang lalaking deserve mo, deserve ang pagmamahal mo. Tumahan ka na.”
Umiling siya. “Ayoko na, Izel. Pagod at sawa na kong magmahal. I’ve been through so much heartaches. Sapat na ‘yon para madala ako. Hindi ko na ulit hahayaang maragdagan pa ‘yong patong-patong na sugat sa puso ko.”
“Nimfa…”
She sits up straight. “So, tell me about your proposed project.”
“But?”
“I can work already. If I’m not going to do this, mababaliw lang ako. At saka wala rin namang akong gagawin sa bahay kundi ang umiyak. At least here, magiging abala ako.”
“Are you really sure?”
Tumangu-tango siya bilang tugon.
“IT’S TIME to take a break, my dear.”
Mula sa mga pinipirmahang dokumento ay saglit na tinapunan ng tingin ni Nimfa si Izel. Kapagkuwan ay nagsalita, “I’m not yet finished here. Ikaw na lang muna siguro ang kumain. Besides, hindi pa rin naman ako nagugutom.”
“Oh come on, Nimfa. Don’t be too hard on yourself. Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo, eh.”
“Izel, hindi ko ikamamatay ang hindi pagkain ng isang beses.”
“And what do you think of me, Nimfa? Akala mo ba hindi ko alam na hindi ka naman kumakain sa inyo? Eh, ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo, ha?”
Napatigil siya sa ginagawa at napasandal sa backrest ng executive chair. Sinalubong niya ang tingin ng kaibigan. “Gusto mo ba talagang malaman ang gusto kong mangyari? Gusto kong makitang lumuhod sa akin si Kio. Magmakaawa na balikan ko siya. Gusto kong maramdaman niya ‘yong sakit na ipinaramdam niya sa akin. Iyon ba ang gusto mong marinig, Izel?”
“Nimfa naman… We’re already done with this, ‘di ba? Napag-usapan na nating magmu-move on ka na. Pabayaan mo na lang sila. Makakarma rin sila.”
Napatayo siya at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang opisina. Mula roon ay natatanaw niya ang construction firm ng mga Altamirano. At sa paningin niya ay unti-unti iyong naguguho.
“Ako na ang magiging pinakamasayang tao sa balat ng lupa kapag nasaksihan ko ang pagbagsak ni Kio Altamirano. I swear, pagbabayaran niya ang lahat ng panlolokong ginawa niya sa akin.”
Tinapik ng kaibigan ang kanyang balikat. “Halika, magpalamig na muna tayo. I know a place kung saan ka makakapag-relax.”
Wala na siyang nagawa nang hilahin siya nito. Ang Spring Restobar pala ang tinutukoy nito. Nanariwa sa alaala ni Nimfa ang kauna-unahang beses na natuntong ang mga paa niya sa restobar. Iyon ay ang mga panahong napagdesisyunan niyang wakasan ang relasyon niya kay Brett?ang unang lalaking minahal niya. Halos lunurin niya ang sarili sa alak ng mga oras na iyon. Masuwerte pa rin siya dahil napadaan noon si Izel at ito pa mismo ang naghatid sa kanya pauwi. Doon niya napag-alaman na pinsan pala nito ang nagmamay-ari ng restobar.
Simula nang araw na iyon, napadalas pa ang pagpunta niya sa bar. Pampalipas-oras kumbaga. Sa tuwing umaga, isa iyong pangkaraniwang restaurant na dinarayo ng mga tao. Sea food ang specialty ng resto at ang pinakadinarayo naman doon ay ang masarap nilang buko shake na pinili nilang ilagay mismo sa buko shell. Bukod pa roon, naka-sentro ang lugar sa Maynila kaya kung sa itaas ka naka-puwesto, kitang-kita ang view ng buong lungsod.
Romantic din ang settings sa paligid kung saan ang mga upuan ay pa-hugis puso pa ang mga disenyo, with matching sweet music. Mayroon ding freedom wall sa pinaka-ground floor kung saan puwede mong iparating ang komento mo sa restaurant o kaya naman ay ang nararamdaman mo ukol sa isang tao.
At kung gabi naman, isa na iyong bar. Pero kaiba sa mga pangkaraniwang bar, hindi iyon gaano kaingay. Instead of disco music, mga romantic songs ang pinapatugtog sa resto. May sarili rin silang mga band performers. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya asiwa sa tuwing nagpupunta siya roon.
“Can I take your order, Ma’am?” ani waiter na nagpabalik ng kanyang huwisyo.
Sinabi niya ang order saka muling idinako ang mga mata sa clear glass mirror. Tila nawalis lahat ang kanyang alalahanin pagkakita sa napakagandang view.
“See? Sinasabi ko na nga ba’t ito ang tamang lugar para sa iyo, eh.” anito.
“Matanong ko lang, Izel. Iyong pinsan mo na may-ari nito, kailan ba siya babalik ng Pilipinas?”
“Interested? Alam mo, single ‘yon. May pagkasuplado nga lang kung minsan pero guwapo iyon at saka…ibang magmahal.” saad nito sa malambing na tinig.
Napapailing siya. “Hindi mo naman sinagot ang tanong ko. At saka, napag-usapan na rin natin na pahinga muna ako sa pakikipagrelasyon, ‘di ba?”
“Sabi ko nga po. And with regard sa tinatanong mo, wala pa kong natatanggap na balita na uuwi na si kuya. At alam mo bang?”
She lifted her hand at itinapat iyon sa mukha nito. “Huwag mo nang ituloy, Izel.” Nahuhulaan na kasi niya ang susunod nitong sasabihin.
“Isa na lang, promise!” ungot nito. Hindi na siya nito hinayaan pang makpagprotesta, agad nitong isinatinig ang nais sabihin. “Gusto ko lang i-tsismis sa iyo na brokenhearted din si Kuya Rayjen no’ng umalis siya ng bansa. Grabe nga, eh. Ipinagpalit siya ng girlfriend niya sa ibang lalaking mas mayaman.”
“Wala na talagang kakontentuhan ang mga tao, ‘no? Nandito na nga kami’t nagmamahal sa kanila pero naghahanap pa rin ng iba.”
“Oopps. Birds of the same feather, ha? Baka naman kayo talaga ni Kuya Ray ang para sa isa’t isa?” sabi nito na tila kinikilig.
Nagbuhol ang kilay niya at saka napailing-iling. “Ikaw talaga, kung anu-ano ang pinagsasasabi mo diyan.”
“Brokenhearted ka lang ay hindi ka na mabiro…”
“Ewan ko sa ‘yo!”
Please Don't Forget To Comment ♥







0 (mga) komento:
Post a Comment