Sunday, April 6, 2014

Ironic Love Chapter 2

“Samahan mo naman ako sa cafeteria. Nagugutom ako, eh.”
Suyo pa ni Rina isang hapon pagkatapos ng kanilang klase, bago umuwi.
“Gusto ko na sanang umuwi, Rina,” reklamo pa ni Eddie.
“Gutom na talaga ako, friend. Please?”
“Sige na nga.” Bumuntong-hininga si Eddie.
Pagkapasok pa lang nila ng cafeteria ay pinagtitinginan kaagad ng mga
naroroon ang dalagang naka-all-black.
Ngunit katulad ng dati ay tila walang nakikita ang dalaga. Tila nabubuhay siya sa
kanyang sariling mundo. Wala siyang pakialam sa mga bagay at mga taong nakapaligid
sa kanya. Maliban na lang yaong kelangan talaga ng kanyang atensyon.
“Dito ka lang. Ibibili na rin lang kita ng makakain,” sabi pa ni Rina nang makakita
sila ng bakanteng pwesto sa isang sulok ng cafeteria.
Iniwan na siya ni Rina na nakaupo.
Inilagay niya sa mesa ang ilang librong hawak niya at hinintay ang pagbabalik ng
kaibigan. Tumunog ang cellphone niya at kinausap ang tiyahin.
“Yes, tita Don’t worry. I’ll be fine... OK, take care.”
“Sino yun?” tanong ni Rina nang may dalang tray ng pagkain.
“Si Tita Andrea.” Aniyang ibinalik sa bag ang kanyang cellphone. “Sinabi niya
lang na aalis siya kaya di ko siya mararatnan sa bahay mamaya.”
“Ang bait ng tita mo, ano?” ani Rina na nag-uumpisang kumakain ng kanyang
nabili. “Ayaw pa rin ba niyang mag-asawa ulit?”
“No. She loved her husband very much.”
“Yeah. But he passed away a long time ago.”
Kumibit na tugon ni Rina at sinipsip ang softdrink nito.
“Kung pinag-uusapan namin yan, she would say she’s got me anyway.” Sabi niya
at kinakain na rin ang sandwich niya na binili ng kaibigan para sa kanya.
“Well, tama ka rin. She treats you like a daughter. Siyanga pala, ayan na ang bf
ko. Paparating.” Nakangiting sabi ni Rina.
Napatingin si Eddie sa isang lalakeng papunta sa kanilang direksyon. Nakangiti
ito sa kanila nang maluwang. Humalik ang lalake sa pisngi ni Rina bago ito umupo sa
isang bakanteng silya.
“Hi.” Bati pa nito.
Tumango si Eddie na may matipid na ngiti.
“Eddie, this is James. James, one of my bestfriends in high school. Si Eddie.
Naikwento ko na siya sa yo.” Sabi pa ni Rina.
“Hi,” ang tanging sabi ni Eddie.
Hello. Oo, naalala ko na, Rina.” Tugon ng lalake. “Well, saan tayo pupunta
mamaya?”
“Sa mall na lang tayo. Para naman maaaliw itong si Eddie.”
“No, Rina. I can’t go. Kayo na lang ni James.” Agad na decline ng dalagang
umiiling.
“Pero hindi naman magagalit si tita Andrea mo kapag isinama ka namin sa mall,
di ba? Besides, di ka na nakapag-malling at di ka na masyadong lumalabas ng bahay
n’yo. Wala ka ng ibang routine kundi bahay-eskwela at eskwela-bahay.”
Napalunok si Eddie. May punto ang kanyang kaibigan. Alam niyang wala itong
masamang intensyon ukol dito. Pero parang di pa niya kayang harapin ang mga malls
kung saan lagi din silang nagpupunta noon ni Stefano.
“Rina, baka naman...” tila nakuha naman ni James ang sagot ni Eddie kaya ayaw
din nitong mapahiya at mapilitan si Eddie sa pangungulit ng nobya.
“James, you don’t know what’s eating her alive!” saka bumaling si Rina kay
Eddie. “Come on, Eddie. Let’s be brave, OK?”
Napatitig si Eddie kay Rina.
“I know it would be hard on you. Pero di ka pwedeng magpatuloy ng ganito
habambuhay, Eddie. Please. I’m your friend. Wag mo namang kalimutan yan.”
Napababa ng tingin si Eddie at tumango. 
Napangiti na rin si Rina sa wakas at tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si
James.
“I can’t believe this!” naiiling na sabi ni Rina na nasa gitna nina James at Eddie.
The first time na sinabi ito ni Rina sa kanya ay nang makita si Ryota sa library. At
ngayon ay nakita nga nito ang lalake kasama ang dalawang sidekicks nito.
Tila natatakot namang tumingin sa paligid si Eddie at sa sahig lang palagi ang
kanyang paningin. Tila may phobia siya sa mga tao at sa mall.
“Eddie, tignan mo nga.” Bulong pa ni Rina sa kaibigan.
“H-ha? Ang alin?” ani Eddie na tumingin sa kaibigan.
“Si Ryota na naman, o at ang mga kasamahan niya. Nakatingin sila sa atin.”
“Magkakilala ba kayo ng Ryota na yan?” nakasimangot na tanong ni James sa gf.
“Naku, ewan! Mula nang mag-transfer si Eddie sa university, nakilala na ng
playboy na yan ang pangalan ko. Ewan ko lang dito sa kaibigan ko. Mukhang dedma pa
rin, eh. At alam mo bang sa tingin ko, si Eddie ang pinagkakainteresan niyan ngayon?”
“Well, baka eto na ang pagkakataong di na magtatagumpay si Ryota sa mga
balak niya.” Napangisi na tuloy si James.
Sadyang binarahan silang tatlo ng tatlong lalake sa kanilang dadaanan.
Nakangiting tiningnan ni Ryota si Eddie na tila wala sa sarili.
“Hi, Eddie.” Bati pa nito
Napakurap ang dalaga at tinignan ang may-ari ng boses na yon. Napasimangot
siya kung baket siya nito kilala gayong di naman niya ito kilala.
“Do I know you?” mahinahong aniya.
“Let me introduce myself. I’m Ryota Buencamino. My cousin, Olif and my friend,
Anton.” Anitong ipinakilala ang sarili at ang dalawang kasama.
Saglit lang na sinulyapan ng dalaga ang dalawa at hinila na si Rina para lumabas
ng mall. Nagtataka namang sumunod si James sa dalawang dalaga.
“Eddie! Di pa tayo nakapag-usap.”
Habol pa ni Ryota sa dalaga habang nakatayong nakangisi lang ang dalawang
lalakeng kasama nito.
“Gusto ko ng umuwi, Rina. Hindi talaga ako mapalagay dito.”
Anang Eddie na di pinansin si Ryota. Sa tingin naman ni Rina ay umiiyak na si
Eddie.
“Ryota, hayaan mo na siya. I think you’re upsetting her!” naiinis na sabi ni Rina
sa lalakeng sumusunod.
Susunod pa sana ang lalake nang pinigilan ito ni James. Napatingin na lang si
Ryota sa papalayong dalawang dalaga.
“Ano bang nagawa ko, pare?” tanong nito kay James.
Umiling lang si James at iniwan ang binatang halos di na maipinta ang mukha.
Lumapit naman dito sina Olif at Anton.
“Tama ka. She’s unique. Pinaiyak mo pa yata pagkatapos mong magpakilala.”
Tudyo pa ni Anton.
“I don’t get it. She’s like in trouble.”
Simangot na tugon ni Ryota kay Anton na nawala ang ngisi nito sa labi.
“Or problem.” Sabi naman ni Olif na seryso ang mukha.
“Buti pa, sa bahay na tayo at inom tayo ng konte.” Sabi pa ni Anton.
Nasa porch ng bahay nina Anton ang tatlo at umiinom ng brandy. Nag-uusap pa
rin sila tungkol sa misteryosang si Eddie nang dumating ang gf ni Anton at ang
kaibigan nitong si Lilian.
“Tapos na ba kayong mag-dinner at umiinom na kayong tatlo?” taas-kilay na
anang Krissy.
“Hindi pa, Krissy. Kaso, may problema lang kaming pinag-uusapan.” Turan pa ni
Anton. “At si Ryota ang may problema.”
Ngumiti naman si Lilian at tinabihan kaagad si Ryota. Inaakbayan pa nito ang
lalake at hinahaplos-haplos sa balikat.
“Ano bang problema, Ryota? Andito naman ako.”
“Kahit ibalandra mo pa ang sarili mo ngayon sa harapan ni Ryota wala sa mood
yan, Lilian.” Babala pa ni Olif sa babae nang pabiro pero totoo naman.
Sumimangot si Lilian. Minsan ay nakuha na nito ang atensyon ni Ryota pero di
naman siya tinuluyan ng lalake noon. At gusto niyang may mangyari talaga sa kanila sa
pagitan ng lalakeng ito.
“Sabihin n’yo nga sa amin ang problema ni Ryota.” Kaswal na sabi ni Krissy.
“Well...” anang Anton na napatingin muna kay Olif tapos kay Ryota bago
magsalita. “May bago kaseng chick sa university. Tinatawag namin siyang Black
Woman dahil lagi siyang nakasuot ng itim. The thing is, gusto siya ni Ryota. Pero
parang dedma. Di niya yata nakikita si Ryota, eh!”
“Black Woman?” nakasimangot na anang Krissy na tinignan si Lilian. “Lilian, may
kilala tayo sa university natin na lagi ring naka-black, di ba? Si Eddielyn Gonzales.”
“Kilala n’yo si Eddie?” tanong ni Ryota na namumula na ang pisngi dahil sa
nainom. “Galing siya sa university n’yo?”
“Of course! Siya na nga ang pinag-uusapan natin. Nag-transfer siya sa dinig
namin. Dahil siguro sa bf niya, di ba, Lilian?”
Tumango si Lilian na nagkurus ang mga braso at sumandal sa sopa, na nakaupo
pa rin sa tabi ni Ryota.
“Yup. At least she wasn’t Black Woman nung buhay pa ang bf niya. Dahil kase sa
car accident, namatay si Stefano nang papunta na sana ito sa Baguio. That was...
think two years ago. From then on, lagi na siyang nakasuot ng itim. Ipinagluluksa niya
si Stefano hanggang ngayon.”
“Ahuh, so nag-transfer siya ng university para siguro makalimutan na si Stefano.
Lagi silang magkasama sa university, eh.”
Dagdag naan ni Krissy na umupo sa tabi ng kanyang bf.
Katahimikan.
Saka naunang bumasag nito ay si Olif na tumayo na hawak ang basong may
lamang brandy.
“There’s the story. I think it solved the mystery, Ryota. We gotta go now.
Hahanapin ka na ni
Oba
Areru mamaya sa akin.”
Walang imik na tumayo si Ryota.
“At ako ang magmamaneho ng kotse mo.”
Dagdag pa ni Olif na nagpapaalam na sa tatlong maiiwan.
“I don’t like that Stefano, Olif.”
Kalahating pikit ang mga mata ng binatang nasa passenger seat nang
magsalita
Napatingin si Olif sa pinsan bago ibinalik sa kalsada ang atensyon. May
pinakamaraming nainom sa kanilang tatlo si Ryota ngayon. Bagay na di normal para sa
kanila.
“Why? The women said he’s dead!” marahang anang Olif.
“Dahil nagluluksa pa rin si Eddie sa kanya. And to think it’s already two years,
she’s still wearing black!” kumpas pa ng binata.
“Why do you care anyway? Eddie’s got nothing to do with you. She barely knows
you exist, cousin. And it’s bright as daylight that she doesn’t want any new
relationship so soon. Tignan mo na lang. Limitado ang kaibigan niya. Isa lang ang
kaibigan niya. Or let’s say, dalawa.” Ang sabi pa ni Olif na naaalala sina Rina at James
sa mall.
“Huh! Alam mo na ang ugali ko, Olif. What Ryota wants, Ryota gets. Even if it’s
Eddie’s the last woman that I have to want, then I will get her. Kaya, ipaalala mo sa
akin na may gagawin tayo sa Dean’s office ng Management bukas. OK?”
Saka ipinikit na ng lalake ang mga mata dahil sa hilong-hilo na ang pakiramdam
nito.
Naiiling naman si Olif sa pinsan. Malaki talaga ang pagkakagusto nito sa bagong
transferee. Ano kayang gagawin nila bukas sa Dean’s office ng Management course?
Kinabukasan sa campus...
“Gusto ko lang malaman ang address at contact number niya, miss. Sige na. Di
ko naman ipagkakalat yun, eh. Tsaka, di naman ako mukhang terorista sa tingin mo, di
ba?”
Nakangiting pakiusap ni Ryota sa student clerk ng Dean’s office ng
Management course.
“Pero bawal kaming maglabas ng information tungkol diyan. Policy namin yan
dito.”
“Miss, may ginagawa lang kaming research. So, pagbigyan mo na kami.
Confidential pa rin naman ang ibibigay mong info, eh.”
Matama siyang tinignan ng student clerk at saka may binuksan na itong file sa
computer.
Pagkatapos ay halos umabot sa magkabilang tenga ang ngiti ni Ryota nang
lumabas silang dalawa ni Olif sa opisina.
“So, may napala ba kayo?” tanong ni Anton na nakahintay sa labas.
“Di mo ba halata sa mukha niya?” sagot-tanong ni Olif.
Nakatingin pa rin si Ryota sa bond paper kung saan naka-print ang mga
impormasyong kailangan niya tungkol kay Eddie. Pati ang ID picture nito ay naka-print
din doon.
“Nakuha ko na.” Pabulong na sabi ni Anton na tumango. “Ano na ngayon?”

“Ewan ko. Baka tatawagan niya at pepestehin ang kawawang babaeng yun.”
Nakangising tugon ni Olif.
“Huh! Malamang!” Natatawang anang Anton.
Hinalikan naman ni Ryota ang picture ni Eddie sa print out. Saka naiiling na lang
ang dalawang kasamahan nito.

0 (mga) komento:

Post a Comment