Sunday, April 6, 2014

I Won't Give Up

OO, ang binabasa mo ngayon ay isang karaniwang love story. Ang hindi karaniwan ay kung paano ko ito nakita sa buhay ko at kung ano ang ginawa ko para angkinin ang love story na ito. Bakit? Tulad ng mga gasgas nang kuwento, ang love story na ito ay hindi orihinal na sa akin. Korek. Nakiki-love story lang ako he-he-he. Oy, don’t judge me yet, alamin mo muna ang aking kuwento. Sa huli, saka mo ako awayin kung sa tingin mo ay hindi tama ang aking ginawa.
My name is Ada, short for Adelaida. Isa akong nobelista, humahabi ng kuwento to entertain my readers. I use Morena as pen name in my novels. Kompara kasi sa mga kapatid ko ay likas na matingkad ang aking kulay, thus my pen name. Literal na nagtatago ako sa pangalang yan dahil hindi ko naman puwedeng ikuwento kahit kanino ang aking trabaho. Why? Sa mabilis na paraan ay ipaliliwanag ko kung bakit.
I came from family of doctors. As in. Mula sa lolo at lola ng mommy at daddy ko hanggang sa mga kapatid ko, all of them were into medicine. Kung hindi doctor o nurse ay physical therapist at pharmacists. Korek ulit. May mga animal doctors din, sa mga pinsan ko naman iyon. Now, tell me how I can be proud of myself. How can I tell the world that I am a novelist? Isang nobelistang sumulpot sa isang pamilyang ang dugo ay dinadaluyan ng medisina.
All my life, pinaniwala ako ng parents ko na mahusay ang maging doctor. Indeed. But the thing is that for me, there is nothing interesting into it. Hindi ko makita ang spark na sinasabi nila. Hindi ko na-e-enjoy ang ospital. Takot ako sa dugo. I hate just the mere sight of their patients, hopeless…helpless…looking terrible. Ayoko nang ganoon. I only get depressed.
I still remember how I told my bestfriend Shenina my opinions on this profession.
“Hindi naman siguro ganoon, Ada. Look, kailangan nating lahat ang doctor. Kung wala sila, siguro ay naubos na ang tao sa mundo.”
“But I don’t believe they are all there to help people. ‘Yung iba, gaya-gaya syndrome lang. Kung impluwensiya lang ng pamilya ang dahilan kaya sila andun sa mundo ng medisina, aba’y hindi tama. They need to get out of the field as much as possible. Hindi nila dapat gamitin ang medisina para lang kumita ng pera.”
“Hey, are you okay? May pinagdadaanan ka ba at ganyan kang magsalita tungkol sa profession ng pamilya mo?”
“Well, I’m not talking about my family here. I’m talking about people in the field of medicine, in general.”
“At sila na nga iyon, hindi ba?”
I snorted. Ayokong magpahalatang na-corner ako ni Shen. My bestfriend happens to be very clever when it comes to me and my moods. Alam na alam niya ang tinutukoy ko kaya naman kahit ilang beses akong magkaila, I know she knows what’s going on my mind.
In short, hindi ako kumuha ng medicine. Nagalit ang parents ko. Siyempre naman. Sabi nila, ano ang mararating ko kung Journalism ang kukunin ko. It will be just a waste of time and money daw. Siguro nga ay likas na matigas ang ulo ko at hindi ko pinansin ang mga opinions nila. Ganoon ang tingin nila, e ano naman sa’kin? Ako naman ang mag-aaral. Ako naman ang gagawa ng sarili kong buhay. So I took the direction I wanted and that started my journey.
NAPATILI ako nang biglang lumindol at mahulog ako sa sahig. Tsk. It took 15-20 seconds before I figured out what really happened. It was not an earthquake, obviously. Inis kong tiningnan ang swivel chair ko; natanggal na naman ang isang turnilyo sa ilalim. Bumigay ang sandalan at nawalan ako ng balanse, kaya ako bumagsak. Again. Patamad akong gumapang papunta sa direksiyon kung saan tumilapon ang turnilyo. Kinuha ko iyon at saka ako patamad na tumayo.
“Bumili ka na kasi ng bago.”
Napalingon ako kay Shen. Kasama ko siya sa apartment kung saan ako tumutuloy mula nang mag-enrol sa Polytechnic University of the Philippines. She’s taking up Education naman.
“Kapag may natira sa allowance ko saka ako bibili,” sagot ko.
Hindi na siya kumibo. Tumingkayad sa harap ng aparador niya at saka kinuha ang sandamakmak niyang magazines. Wala na kasing pagkasyahan ang mga iyon dahil sa dami naming babasahin sa loob ng silid maging sa sala. Nagkataon kasing pareho kaming bookist ng bestfriend ko.
“May bago ang Tagalog Online Pocketbook, have you heard?”
“Anong bago?” tanong ko naman.
Ang Tagalog Online Pocketbook ay isang online source of romance stories. Nakita ko iyon noong nagsisimula pa lang akong magsulat. I was searching for tips on how to write novels when I landed on their website. Naging interesado ako agad kahit sa tingin ko ay kakaunti pa lang ang readers doon. At least, may mga readers. Siguro, nasa ten lang that time base na rin sa bilang ng iba’t-ibang pangalang nakita ko sa comment section ng isang kuwento roon. Agad kong kinontak ang admin named Foo. I bluntly asked him what to get from posting stories on his website. What would I get? I mean, hindi ganoong kadaling magsulat. It will take time, real time to finish one complete story. Madali namang magsimula eh. Ang tanong, matatapos mo ba iyon? At kung matatapos, calculate the time you spent in writing that piece and you would be surprised it took you a week or so. So I was asking kung ano ang mapapala ko doon. At tulad ko, prangka din ang admin. He said, “Wala…for now. You will just write for your readers but in time, you will definitely get something.”
I was thinking na monetary aspect ang pinag-uusapan namin doon so I did submit my first novel. In short, he posted it on his website and I gained comments. Many comments actually that I almost lost count. After a few days, doon ko naintindihan ang ibig niyang sabihin.
The admin was not talking about monetary benefits; he was pertaining to the fulfillment a writer would get once his story is flooded by readers’ comments and praises. And so I did get those. I was overwhelmed. Iyon kasi ang unang pagkakataon na mapo-post somewhere ang kuwento ko. Sanay na akong ako lang o ang bestfriend kong si Shen ang nagbabasa ng mga iyon at ngayong umaani iyon ng komento at papuri, masayang-masaya ako. ‘Yung pinagpaguran ko, may nakaka-appreciate, kumusta naman, world?!
Kinuwento ko agad iyon kay Shen na number one reader ko din ng kung anu-anong pinagsususulat ko. She also joined the said group and you know what, ang group na dati ay almost ten lang ang members, eherm…thousand na po ngayon. Hindi lang naman kasi kuwento ang makukuha mo sa TOP, marami pang iba at ang pinakagusto ko ay ang pamilyang nabuo roon. Bawat isa ay kapatid, kapamilya at kapuso. Kaya feeling ko, aabutan na ng pagdadalawang kulay ng buhok ko ang pagiging miyembro ko sa TOP. I swear.
“Hindi ka na ba active sa TOP at hindi mo alam?” tanong ni Shen.
“Hindi ako naka-visit last week eh. Alam mo na, disiplina. Kapag nakausap ko si Louise, Glo at Nitz, wala na. Hindi na ako makakasulat.”
Natawa si Shen. “Grabe naman kasi kayong magkuwentuhan. Kapag lumalabas nga kayo feeling ko ay hindi ka na uuwi eh.”
It was true. Pamilya ko nga kasing maituturing ang TOP at kahit hindi ko nakikita ang lahat in person, nandoon pa rin ang invisible bond na nabubuo among us. No stir.
“So hindi mo pa nga alam ang latest.”
“Eh kung sinasabi mo na sa akin e ‘di ang saya. Wala nang tanungan, ‘di ba?”
Natawa siya ulit at kapag ganoong tumatawa ang bestfriend ko, matatawa na lang din ako. Nakakahawa kasi siyang tumawa. Buhay na buhay ang peg.
“May ebook project sila.”
“Bago ba ‘yon? Matagal na ‘yang ebook project, hindi ba?” kunot ang noo kong tanong. Nag-download na nga ako noon ng Amor Filia at My Darling Brat ‘di ba.
“I mean, this time ay talagang ebook project. For sale. Gagamitin iyon para sa funding nila. I heard they’re planning to print their stories na rin in time. Nice, ano?”
“Hmmm…paano ang mga estudyanteng walang pambayad? Wala na bang gils?”
“Meron pa rin pero para sa mga free stories iyon. Ang mga una nang na-post, hindi mawawala so the readers would still enjoy free stories.”
“So you mean, ang ebook, parang dagdag lang nila?”
“Ganoon na nga. If you want to purchase, mag-fill out ka ng order form. After payment, magkakaroon ka na ng e-book.”
“Hmmm”: Napaisip ako. “Hindi ba delikado iyan? Baka makopya ang gawa nila. Iyon ang purpose ng gils ‘di ba, pero kung ganitong for sale na, napakadaling bumili at ilathala ang kopya online.”
“I’m sure may strategy sila to detect those who will reproduce unauthorized copies of their stories. Si Foo pa!”
Napatango na lang ako. “Paano ang bayaran? Thru banks?”
“Noong magtanong ako kay Lou, ang sabi niya ay pwede sa Paypal, BDO, BPI, Western Union at LBC. Maraming paraan kapag may ebooks na.”
“Sa bagay nga. Sige, sabihan mo ako kapag lumabas na ang ebooks ha. I will surely get my own copies.”
“Okay. For the mean time, ipagawa mo muna ang swivel chair mo para matapos mo na iyang kuwento mo. Para sa COH ba iyan?”
Umiling ako at malungkot na ngumiti. “Wala nang COH, darling. Papaubos na rin ang kopya ng mga books. The last time I asked the head, nasa Davao at Cebu na raw ang mga natitira pang copies. Kung meron man dito ay limited na. Ubos na ang mga kopya.”
Nanlaki ang mga mata ni Shen, halatang gulat na gulat. Hindi kasi ako nagkukuwento sa kanya tungkol doon. Maybe because I’ve been busy writing and reading my books. Or because I didn’t want to discuss it with her.
“What happened? Ang dami niyo nang readers ah.”
“Hindi ko rin alam e. ‘Yung reason, hindi na idiniscuss ng company owner. Busy rin siguro dahil marami silang negosyong pinagkakaabalahan. Baby project lang naman talaga ang COH and I knew it eversince.”
“So paano na ang mga kuwento mo, saan mo ipinapasa?”
“Ano ka ba, there’s TOP. Hindi ako mawawalan ng pagpapasahan. One of these days, I’ll try to talk to Foo. Baka pumasa ang gawa ko at maisama din nila sa ebook project.”
She nodded. “But I heard mababa lang ang bigay sa mga writers na magpapasa para sa project na iyan. Umpisa pa lang kasi.”
“No problem. I’m still interested and in time, walang pupuntahan iyan kung hindi ang pagtaas.”
She smiled. Sa mga sumunod na sandali ay busy na siya sa kanyang mga magazines.
NAPANGITI ako sa harap ng laptop. Finally, nai-launch na ng TOP ang ebooks nila! I was so excited! Sa tuwing nababasa ko kasi ang mga kuwento nila, na-i-inspire talaga akong magsulat.
So tatlo pala ang independent stories nila na available sa ngayon. Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang tatlong libro pero napakunot ang noo ko nang makita ang isa pang ebook na diumano ay limited lang. Twenty copies lang daw ang available. I decided to read it first. Hindi ko napigilang matawa sa tema ng kuwento. The title of the said ebook is Love Potion and it was written by Ms. Yesha Lee. Curiousity mode. Ano kaya ang mangyayari oras na malaman ng bidang lalaki na ginagayuma siya ng babae? At kasabwat pa ang mismong lola ni Doc sa panggagayuma ng babaeng taga-bundok!
Hindi ko maiwasan ang mapailing. The story was comical but somewhat interesting. Kuwento iyon ng isang doctor na may makulit na abuela at ng isang ordinaryong babae named Abigael. Isang babaeng tila laking-bundok na itatambal sa isang alagad ng medisina. Type ng abuela si Gael kaya naman gagawa ito ng paraan para magkatuluyan ang dalawa, to the extent na gagamitan nila ito ng gayuma. Imagine the riot kapag nagsama ang tatlong ito sa isang kuwento, oh-em-gee!
Nang dumako ang paningin ko sa tatlong ebook ay isa-isa kong pinasadahan ng basa ang teaser ng bawat isa. Ang kuwento ni Ms.Louise na pinamagatang Arcille’s Love ay usapang ‘first love.’ Another interesting story. Bakit nga ay iyon ang bagay na hindi ko na-experience ever. Nasa libro ba kung anong age nakikilala ang first love? Bakit kaya wala ako niyon? Na-excite akong lalo dahil doon. Parang na-i-imagine ko na ang mangyayari sa kuwento and I couldn’t wait to have my own copy!
Ms Heidz’ story naman which was entitled I Just Fall in Love Again was all about looking for someone to love. It also captured my attention since I’ve been experiencing the same dilemma. Wala akong boylet in my past, present at huwag naman sanang hanggang future. Bahagya akong nakadama ng bigat sa dibdib sa puntong iyon but I did a mental note to have my own copy of Ms Heidz’ story.
The third ebook was written by Ms Yesha ulit. It was entitled Forbidden. Mas bumigat ang dibdib ko nang mabasa ko ang teaser ng ebook. Kaya pala iyon ang title, bawal pala ang love story ng characters. Magkapatid sa iisang babae. Well, it’s a usual plot kung tutuusin. Ang nakaka-curious mabasa ay kung paano itong isinulat ng writer. Napaisip akong saglit. The writer wrote two entirely different concepts of stories – Love Potion and Forbidden. Isang magulo at nakakatawang kuwento versus seryosong plot. Hmmm…curious na talaga ako.
I immediately clicked the order form button and ordered all the newly published ebooks. Originally, each ebook costs $2 pero may intro price sila at 50%. Wow, great! I immediately ordered all the three ebooks. I noticed na regular rate ang Love Potion but I still purchased the two ebooks. Mahirap nang maubusan dahil 20 copies lang pala talaga iyon. Na-curious naman ako kung bakit.
After receiving the TOP’s confirmation message, napangiti ako. Excited na akong mabasa ang mga iyon. Nakangiting binalikan ko ang ginagawa ko kanina at feeling ko ay dumoble ang inspirasyon at sipag kong magsulat.
Ilang saglit pa ay busy na ako sa pagsusulat kaya napaigtad pa ako nang tumunog ang door bell. Napaisip ako kung sino iyon. Wala si Shen at kate-text lang na hindi uuwi sa oras. May lakad ito with her classmates. Wala rin naman akong ini-expect na bisita. Then who the hell is that person?
Inis akong tumayo. Isa ito sa ipinag-iinit ng ulo ko. Kapag ganitong super dukdok ang drama ko sa laptop, ayokong-ayokong maiistobro. At ito ngayon ang ginagawa ng kung sino mang nasa doorstep namin.
Hinawi ko ang kurtina at isang lalaki ang nakita ko sa labas ng pinto. Napakunot ang noo ko. Sino naman ang kumag na ito?
Mula sa kinatatayuan ay nakikita ko ang tindig ng lalaki. Six footer, maybe. Maputi ito at nakasuot ng puting polo at maong na pantalon. Agad na pumitik ang isang ideya sa isip ko. Tumakbo ako at bumalik sa kinaroroonan ng laptop. I typed the words that flooded my mind. Tipa…tipa…tipa…pero ang buwisit na doorbell ay ayaw tumigil. Chime…chime…chime…
Asar na muli akong tumayo at tinungo na ang pinto. Malakas ko iyong binuksan, iyong tipong babalibag sa lakas. “Bakit ba!” nabigla kong bulyaw sa kanya.
And it worked out. Nakita ko kung paanong nagulat ang lalaking kaharap ko. But there’s a bigger problem dahil mas nagulat ako sa kanya. His face suddently turned red, dahil sa pinaghalong asar at gulat siguro. Ano ba naman ang gagawin ko e talagang nagsusulat ang lola. Isa pa, hindi ko naman siya bisita dahil hindi ko siya kilala. Ang kaso nga, hindi ko magawang panindigan ang asar ko dahil sa hitsura ng lalaking nasa harapan ko ngayon.
Isang bagay lang ang pumasok sa isip ko nang matitigan ko siya. Enrique Gil. Sexy ‘di ba. Enrique Gil na three inches taller. Goodness. Daig ko pa ang sapilitang isinakay sa elevator at saka itinaas-baba hanggang mahilo. Totoo, sobrang guwapo….
My knees began to melt. Sino ba ang hindi sa ganitong klaseng tagpo? Nagsusulat ka ng isang kuwento, pilit mong iniisip kung paano magpapakilig ng readers, tapos ay biglang may nilalang na bubuglaw sa harapan mo at talaga namang nakakakilig! Wala sa loob na napahawak ako sa door knob. Late na rin nang maisip kong inipit ko pala ang buhok ko sa kanang tenga ko as initial reaction. Pa-cute lang ang peg???
“Ano’ng kailangan mo?” Teka, mahina yata ang boses ko. Dapat ay inis ako kaya inulit ko iyon in masungit mode. “Ano’ng kailangan mo???” mabilis kong ulit nang nakapameywang.
“Good afternoon. Nandiyan ba si Shen?”
Bumagsak ang balikat ko nang marinig ko ang pangalan ng bestfriend ko. Agad akong kinutuban pero hindi nagpahalata.
“Ikaw si…ikaw si Sultan?”
Nang ngumiti siya ay nakompirma ko ang aking hinala. Juice ko day…bakit naman siya pa? Bakit siya pa si Sultan?
FYI, si Sultan ay minsan nang naikuwento sa akin ni Shen. Her old friend who used to stalk her. Iba rin ang trip ng lalaking ito. Determinado talaga dahil sa maraming bagay na ginawa para paamuin ang bestfriend ko. But Shen didn’t like him. Medyo matigas rin kasi ang ulo ng kaibigan kong ito at na-realize ko sa sarili ko kung bakit ayaw ng loka sa kanya. He was not a boy next door type at ang mga ganoon ang type na type ni Shen. Si Leonardo di Caprio nga ang crush ng babaeng iyon at ang Jeffrey na ito sa harap ko ay malayung-malayo sa tipo ng lalaking madalas niyang ikuwento sa akin.
He was more or less six feet tall. Or maybe, an inch taller. Gupit pa lang, rugged na. Mahaba ang patilya at nai-imagine kong mahaba ring tiyak sa gawing batok ang dulo niyon. Ang polo niya, rugged type lalo na ang maong pants. Nakasuot pa ng accesory necklace na parang sungay ng kalabaw. Ang sapin sa paa, sandalyas na bagaman magandang tingnan ay rugged pa rin. In short, ruggedly handsome ang peg ng Sultan stalker ni Shen!
“Ikaw si Ada, right?” aniyang nakangiti pa rin.
Siguro’y nabanggit na ako ni Shen sa kanya kaya kilala niyo ako. I didn’t bother to ask. “Wala siya rito. Ano’ng kailangan mo?” pa-intimidate kong tanong. Nabigla ako nang marahan siyang humakbang palapit at napaatras ako. Umawang ang mga labi ko sa pagkabigla. Nang humakbang ulit siya ng isa pa ay dinalawang steps ko naman ang pag-atras. Hanggang tuluyan na siyang pumasok at nilagpasan ako. Dumiretso siya sa mga display figurines namin ni Shen.
“Sino ka ba at bakit bigla ka na lang papasok dito?” Alam kong kulang sa emosyon ang inis ko but I couldn’t help it. He’s so gorgeous. Nang makita ko ang mahaba niyang buhok sa gawing batok ay pinigilan kong mapa-I knew it.
“Hindi man lang idinisplay ni Shen ang gift ko sa kanya.”
Napataas ang kilay ko. Gift? Display? So ang lalaking ito ay nagbibigay ng something na puwedeng pan-display? Unbelievable!
Sa isip ay hinulaan ko kung ano ang bigay niya. Ashtray? Paper weight? Caricatures?
“I gave her a castle figurine last year. I told her to keep that as a sign of our friendship.”
Friendship? How corny…and weird…
“B-bakit naman figurine?”
“Dahil mahilig siya doon. For sure, kanya lahat ang mga figurines na ito at sa’yo naman ang mga libro.” Tinapunan nito ng tingin ang shelf sa isang sulok.
“Nah. Hati kami sa mga iyan ganoon din sa mga books. We both enjoy displaying anything like caricatures and figurines. We both love to read books.” Teka, bakit ba ako nakikipag-usap sa lalaking ito? “Bakit pala castle?”
“Architect kasi ako at ang pangarap ko para sa babaeng pakakasalan ko, isang mala-kastilyong bahay.”
Napatango ako nang alanganin. So he was not weird; just crazy. Mantakin mong magtatayo raw ng kastilyo para kay Shen. Wait, did he mention Shen’s name?
“So nasaan siya?”
“May pasok.”
“Alam niyang darating ako kagabi pa.”
“Ah, kaya pala nakipag-date sa mga friends niya,” sa loob-loob ko. “If you want, you can wait for her.”
“Kung wala siya rito at hind ko na ma-contact ang cellphone niya, baka totoo ang nasa isip kong iniiwasan niya ako.”
“Hindi mo siya ma-contact?” ulit ko as I grabbed my phone from the top of the center table. Idinial ko agad ang number ni Shenina. Ringing. Napailing ako. Nagtatago nga si Shen sa Sultan na ito kung ganoon. “Can you please try to contact her again?”
He did. At simangot ang itinugon nito nang ibaba ang cellphone na hawak. Umiling ito. “Negative.”
“Baka naman nagtatago sa’yo,” diretso ko na namang sabi. Well, that’s me. Kung may gugustuhin mang bagay o aayawan sa akin, iyan ay ang pagiging prangka kong tao. Ayoko ng plastikan at kung anu-anong palabok. Ang gusto ko ay goal agad, kumbaga sa soccer.
“You think so?”
Kibit-balikat lang ako. “Ang nice naman ng name mo…Sultan…” Pinigil ko ang sarili kong matawa.
“Thanks but don’t flirt with me, Adelaida. You see, I’m already taken.”
Nagulat ako at nagpanting ang tenga ko sa aking narinig. Agad na namula ang mukha ko, base na rin sa pakiramdam kong nangangapal iyon sa kahihiyan. “What…what did you just say?” maang kong tanong. Hindi ko talaga inaasahan ang sinabi niyang iyon.
“What?”
“You just said I’m flirting with you? I heard that’s what you said.”
“Did I?”
“Yes.”
“So okay. Yes.”
Naggiritan ang mga ngipin ko sa matinding inis. “How dare you! Ang kapal naman ng mukha mo para magparatang ng ganyan sa isang babaeng ngayon mo lang nakilala?”
“Wait, I’m sorry if you’re offended but—”
“So you think I’m offended?”
“E—”
“I’m asking…you think I’m offended?”
Saglit itong natigilan at natulala sa akin dahil sa lakas siguro ng boses ko. Ilang saglit rin ang pinalipas nito bago sumagot. “Yes?”
“Goodness, galit ako, estupido!”
“Hey, hey, hey! Don’t shout. I didn’t came over just to—”
“Wala akong pakialam kung ano ang ipinunta mo rito! Hindi ka rin pala taong kausap kaya lumayas ka sa pamamahay namin!”
“—namin, right! So kay Shen din ang bahay na ito kaya hindi mo ako basta puwedeng paalisin. I am her boyfriend.”
“Hah! In your dreams and FYI, may boyfriend na po si Shen!”
Halatang natigilan si Sultan. Hindi marahil niya inaasahan ang sinabi ko.
“May…may boyfriend na si Shen?”
“Unli? Kasasabi ko lang ‘di ba!” asik ko sa kanya. Ang lahat ng paghangang nabuo sa akin kanina ay kagyat na naglaho. Kung kanina ay si Enrique Gil ang kamukha ni Sultan sa paningin ko, ngayon ay si Kapitan Awesome na! Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ay alam kong pulang-pula ang mga pisngi ko sa inis.
“Okay, I’m sorry,” kabig niya pero sa halip na pansinin ko iyon ay inis ko lang siyang hinarap.
“Sige na, makakaalis ka na.”
“I need to talk to Shen.”
“She’s not going home, marami siyang importanteng lakad today.”
“I already said I’m sorry, okay. Pasensiya ka na kung na-offend kita. Medjo bad trip lang ako dahil sa pagtatago ni Shen sa akin.” Nagbuntong-hininga ito. “It’s been days, you know.”
“Sana lang ay marunong kang umintindi. Wala nga si Shen dito at hindi ko alam kung anong oras uuwi. Do you plan to stay here for say, three to five hours just to see her?”
Kumibot-kibot ang mga labi nito na tila may ibig sabihin pero matagal bago nasagot ang tanong ko. “Kung babalik na lang ako bukas, do you think she’ll stay for me?”
“May klase siya.”
“After classes, five o’clock?”
“I’m not sure about her schedule but you may ask her if you want.”
“Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.”
“Nagtatago nga kasi. Bakit ba ang manhid mo???” “Baka naman hindi pa siya ready na makausap ka? I heard, nagkagalit kayo last time na magkita kayo ‘di ba.”
“Nagalit lang siya sa’kin. Paano ko namang magagawang magalit sa kanya e mahal na mahal ko iyon.”
“Ganoon?” Hindi ko napigilan ang mapaingos. “Weird naman palang magmahal ang lalaking ito,” bulong ko sa sarili.
“Sino ang weird?”
“Weird?” ulit ko. “Sino nga ang weird?”
“Sabi mo…” Napailing ito bago naglakad patungo sa pinto. “Sige, babalik na lang ako.”
Hindi ako kumibo at hinintay na buksan niya ang pinto. May tatlong baitang na hagdan siyang bababain bago iyon marating. Nang mabuksan ang pinto ay sumunod ako sa kanya para isara ulit iyon. Ang akala ko ay tuluy-tuloy na siyang lalabas kaya nagulat pa ako nang bigla siyang humarap. Na-off balance ako nang akalain kong magkakauntugan kami. Nagpantay ang height namin dahil nasa ibaba na siya at nasa baitang palang ako. On instinct ay napapikit ako at hinintay na lang ang susunod na mangyayari but nothing happened to my surprise. Nang nagmulat ako ng mga mata ay saka ko na-realize na nasa harap ko pa rin siya na bagaman may normal na kaming distansiya ay malapit pa rin kami sa isa’t-isa. Nakakunot ang noo niya at kilay, para bang nagulat pa sa reaction ko. Doon ako nainis.
“Ano ba!” bulyaw ko sabay tulak sa dibdib niya. Bahagya siyang napaatras dahil sa impact. Ako naman ay umatras ng isang hakbang para mas ideal ang space namin. Ilang na ilang kasi ang pakiramdam ko.
“What?”
“Lalabas ka na hindi ba, ano’ng ginagawa mo diyan?”
“Bakit ba ang sungit mo? Ganyan ka ba sa mga bisita mo?”
Hindi ko agad nagawang kumibo. E bakit nga ba ang sungit ko? Ganoon nga ba ako sa mga bisita ko? “Sige na, marami pa ‘kong gagawin,” pagtataboy ko kay Sultan.
“Alam mo, give yourself some time to breathe. Hindi iyong lagi ka dito sa bahay niyo kapag walang pasok. Sulat ka nang sulat, ikaw naman ang walang lovelife. Try to mingle and you won’t be forever single.”
Akma akong sasagot pero mabilis niya akong kinindatan at kung bakit ako natulala ay hindi ko alam. Nakalabas na siya ng bahay nang magawa kong mag-react at huli na nang mag-stabilize ang sistema ko. Tuluyan nang nakalayo at hindi ko na inabutan ang antipatikong si Sultan.
“HOY, kausapin mo naman ako. Kanina pa ‘ko daldal nang daldal dito ah.”
Sa halip na kausapin ay tinalikuran ko si Shen. Naiinis kasi ako sa kanya dahil sa mga sinabi ni Sultan. Feeling ko, ako ang topic nila kapag nag-uusap sila at feeling ko rin, nakakatawa ang pinag-uusapan nila kapag ako na ang topic.
“Hoy, Ada, ano ba!”
No choice. Hawakan ba naman ng luka ang takip ng kaldero at ipukpok ang sandok doon nang makailang ulit. Wala pa akong balak na mabingi. “Ano ba!” paangil kong sagot. Itigil mo nga iyan!” Inagaw ko sa kanya ang kaldero pati na rin ang sandok at saka ako tuluy-tuloy na pumunta ng kusina. Kasunod ko naman si Shen.
“Ano ba kasi ang nangyari at parang may volcanic erruption dito?”
“Naiinis ako…” Itinaob ko ang kaldero sa tabi ng mga nakataob ding kaserola sa lababo at saka ko isinabit ang sandok sa sabitan na nasa itaas niyon.
“Sa akin?”
“Oo.”
“Aba’y kadarating ko lang ah!”
“Kadarating mo nga lang kaya ako ang huramap sa weird mong manliligaw! Bakit ba kasi ngayon ka lang?” Tinalikuran ko ulit siya at saka ako nagtuloy sa sala. Kasunod ko pa rin ang luka.
“Manliligaw—oh my…si Sultan!”
Alam kong marami siyang manliligaw kaya para isipin niyang si Sultan ang tinutukoy ko sa adjective kong ‘weird,’ well, nasigurado ko nang aning nga ang lalaking iyon. Hindi ako sumagot kaya na-confirm na niya ang hinala niya.
“Dito siya tumuloy kanina?!”
“Mismo…” matamlay kong sagot. Naupo ako sa sofa at saka ko itinaas ang aking mga paa sa ibabaw ng center table. Kinuha ko ang isang throw pillow at saka iyon inilagay sa tiyan ko. Isinandal ko ang ulo ko sofa at saka ako pumikit. Nasa ganoon akong posisyon nang maramdaman kong lumundo ang sofa at maupo si Shen. Hinampas niya ako sa hita kaya napadilat ako.
“Ano’ng ginawa niya rito?”
“Wala…nang-inis…”
“What?!”
“Kailangan mo ba talagang sabihin sa kanya na wala akong boyfriend at nobelista ako, Shen?”
Guilt flooded Shen’s face. Hindi niya magawang magkaila at dahil sa inis ay nagawa ko siyang irapan.
“Alam mo namang hindi ko iyon gustong ikuwento sa iba. It’s my personal life and—”
“I know, I know. Hindi ko naman iyon ikinuwento sa kanya para panghimasukan ang buhay mo, Ada. Nabanggit ko lang iyon nang sabihin niyang hahanap siya ng irereto sa’yo.”
“Isa pa ‘yan! Bakit kailangang magreto! Wala akong lovelife dahil gusto ko! Kuntento ako sa buhay ko! Masaya akong mag-isa at magsulat ng mga kuwentong gusto ko!”
“Pero hindi ba at mas marami kang maisusulat kung marami kang karanasan, friend?”
“Hindi ko kailangan ang mga iyon para lang makapagsulat, Shen! Ito ang buhay na pinili ko kaya kung puwede sana, huwag niyong isipin na miserable ako, okay!”
“Pero bakit nga kasi?”
“Dahil nga gusto ko!” pinal kong sabi. “Saka puwede ba, huwag ako ang gawin ninyong topic ng Sultan kabayo na iyan kung wala na kayong mapag-usapan, okay! I hate to know that there are people talking about me when I turn my back.”
“Friend, hindi naman sa ganoon…huwag mong masamain ha. I just told him that because he kept on insisting na ireto sa’yo si Mac.”
“Mac who???” Inis na inis na ko talaga.
“O kaya daw ay si Jarred…”
“Ano ba, Shen! Tumahimik ka na nga!” sawata ko sa kanya.
“Pero alam mo, ang cute ni Dale. Ang ganda ng dimples niya at saka…ang lalim!”
“Naiinis na ‘ko, Shenina ha!” I gave her a warning look that made her stopped.
“Okay, okay…hindi na.”
Marahas akong tumayo at bahagya lang siyang nilingon. “Basta ayoko nang pag-usapan ang bagay na iyan mula ngayon, okay. Kung hindi, magagalit na ‘ko talaga sa’yo…”
“Okay…”
Tumalikod na ‘ko at tinungo ang silid namin ni Shen pero nagsalita siya bago ko pa mabuksan ang pinto.
“Are you sure, girl?
Gigil na gigil na iniwan ko na lang siya at dumiretso na ako sa aming silid.
TATLONG beses akong napabuntong-hininga pero hindi ko pa rin mapagdesisyunan kung pagbubuksan ba ng pinto si Sultan o hindi. Kanina pa ito nasa pinto ng apartment at panay ang ‘pa-tao po’.
“Ada! Ada, yuhoo! Sultan here!”
Sultanin mo’ng mukha mo! Buwisit ka!
“Ada! Are you there?”
Wala! Umalis ka na, impakto ka!
“Ada, I know you’re there! Open the door, please!”
Tinakpan ko ang tainga ko para hindi ko siya marinig pero muntik na akong mahulog mula sa upuan nang bigla siyang lumitaw sa bintanang nasa harap ko. Malakas akong napasigaw at napatayo.
“It’s me, Sultan. Open the door, Ada…”
“Bakit ba? Wala dito si Shen at—”
“Alam ko. Ikaw ang sadya ko, okay. Please, papasukin mo na ‘ko…”
Napakunot-noo ako. “Ano’ng sinabi mo?”
“Papasukin mo na ‘ko…”
‘Yung una…”
“Alam ko…”
Grrrrr….. “Alam mong wala dito si Shenn!?”
“Yap.”
“Then why are you here?”
“Ikaw nga ang ipinunta ko rito…”
Saglit akong natigilan…
“Ikaw nga ang ipinunta ko rito…” “Ikaw nga ang ipinunta ko rito…” “Ikaw nga ang ipinunta ko rito…”
Napalinga ako nang may marinig akong ibong nag-aawitan sa paligid. Nang mapasulyap ako sa throw pillow kong Tweety bird, pakiwari ko ay lalong naging pilyo ang pagkakangiti niyon…saka bakit iyong Hello Kitty wall clock namin, tumingkad yata? Ang light ay naging…fuschia pink???
“A-ako?” tanong ko na nakadiin pa sa dibdib ang kanan kong kamay.
Ngumiti nang pagkatamis-tamis si Enrique este Sultan kaya naman lalo nang bumilis ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat ko. Bago ko pa namalayan ay wala na siya sa bintana at naroon na ulit sa pinto, katok na naman nang katok. Wala sa loob akong napalapit roon.
“Thank, God,” usal ni Sultan nang pagbuksan ko ng pinto. Ang lalim ng buntong-hininga nito.
“May…may kailangan ka ba?” Tumikhim ako dahil pakiwari ko ay ako lang ang nakarinig ng tanong kong iyon.
“Kumusta ka na?” tanong rin nito sa halip na sagutin ang tanong ko.
“Sinabi ko nang wala si Shen ha…” Tinalikuran ko siya. Hindi ko kasi kayang tagalan…ang panginginig ng mga tuhod ko…
“Sinabi ko rin na ikaw ang sadya ko, hindi ba…”
Hayan na naman…nag-aawitan na naman ang mga ibon. Sumasayaw na naman ang mga kurtina. Nag-a-acrobat pa ang mga dahon…Ang guwapo naman niya…bakit ganoon? Ang guwapo talaga…
“Ada? Ada…”
“Ha?”
“Sabi ko, baka naman puwedeng pumasok. Ang init ng araw sa balat e.”
Mabilis akong napaatras upang bigyan siya ng daan. “Sorry. Halika, pasok ka.”
Iginiya ko siya sa sofa at pinaupo saka ako naupo sa katapat na upuan.
“Bakit ka nariyan?” tanong ni Sultan na ikinabigla ko. Inginuso pa nito ang sofa set na kinauupuan ko.
“B-bakit?”
“Ang layo mo naman…puwede bang dito ka sa tabi ko?” Ngumiti na naman ang hombre.
“Okay na ‘ko dito. Ah…ano ba’ng sadya mo?”
Natigilan ako nang sa halip na sumagot ay tumayo siya at naupo sa tabi ko. Hindi ko makuhang mag-react sa ginawang iyon ni Sultan. Basta ang alam ko, hindi na ako halos makahinga sa buhol-buhol kong emosyon.
“Ayaw mong tumabi sa akin kaya ako ang tatabi sa’yo…”
Mapapangiti na sana ako kung hindi ko naalala ang sinabi niya nang una kaming magkita. Daig ko pa ang nabuhusan ng malamig na buko juice at madali akong natauhan.
“Lumayu-layo ka nga sa akin! Mamaya, akusahan mo na naman akong nag-pi-flirt diyan! Hiyang-hiya naman ako sa balat mo!” Binirahan ko iyon ng tayo at doon naman ako naupo sa kinauupuan niya kanina. Ang kaso, mabilis ding tumayo si Sultan at tumabi na naman sa akin. “Ano ba!”
“Sorry na nga, Ada. Hindi ko naman sinasadya iyong sinabi ko. Alam mo iyon, minsan sa kagustuhan kong makagawa ng conversation—”
“At my expense, ganoon?”
“Kaya nga sorry na. Hindi na mauulit iyon, promise.”
“Dapat lang!” taas-noo kong sabi. “O, ano ang sadya mo?” Sa wakas ay nahimasmasan ako. Unti-unti ko nang nakakasanayan ang presence ni Sultan.
“May gusto sana akong sabihin sa’yo…”
Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin pero tanging ngiti lang ang ginawa nito. Haplos nito ang batok na tila nahihiya.
“Ada…”
“Yes?”
“Noong makita kita, alam ko nang…alam ko nang ikaw na ‘yung matagal kong hinahanap. Ikaw ‘yung…” Pumitik ito sa hangin bago napatuloy. “ Ikaw ‘yung sagot sa mga dasal ko gabi-gabi.”
Natulala ako, ilang saglit na hindi alam ang isasagot sa sinabing iyon ni Sultan.
“Ada…”
“Sultan…”
“Please…please, Ada…”
“Sultan…”
“Tulungan mo naman ko, please…Ikaw lang ang makakatulong sa akin para mapansin ako ni Shenina. Pleaae, Ada….tulungan mo ‘ko.”
Napayuko ako at napatingin sa flooring ng apartment namin ni Shen. Kitang-kita ko…totoong-totoo…unti-unting nag-crack ang sahig at lumakad ang bitak niyon patungo kay Sultan…
“Ada…”
Hindi ako nag-angat ng paningin. Busy ako sa panonood sa puso kong tumalon sa sahig at ngayon ay gumagapang, wasak at mahina na ang tibok.
“Ada…”
“Labas…”
“Ada, please…sige na naman oh…parang awa mo na.”
“Lumabas ka na hanggang tao pa ang tingin ko sa’yo, Sultan.”
“Ikaw na lang ang pag-asa ko kay Shenina…”
“Shesheninahin kita ‘pag narito ka pa rin pagbilang ko ng lima, Sultan.”
“Ada…”
“Isa…”
“Ada naman…huwag namang ganyan…”
“Dalawa…”
Napatayo si Sultan. “Maayos naman kitang kinakausap. Bakit ganyan ang trato mo sa akin?”
“Tatlo….”
“Ada!”
“Apat, Sultan! Apat na!” gigil kong bulyaw sa kanya. Natakot marahil dahil mabilis na itong tumalikod at lumabas ng pinto. Nang sumarado ang pinto ay nanlumo ako.
“Lima, Ada…lima na. Wala na si Enrique…” Ang sakit naman sa pride. Kaya nga ba ayokong umasa. Kaya nga din siguro hindi ako nagkaka-crush sa opposite sex dahil sa ‘fear of rejection.’ Ano ngayon itong nangyayari sa akin?
Tumayo ako at tinungo ang pinto. Ikinandado ko iyon at saka marahas na nagpakawala ng malalim na paghinga.
“Noon lang Lingo ay hindi kita kilala, Sultan. Magli-Lingo na ulit kaya malilimutan na kita!”


Please Don't Forget To Comment ♥

I just Fall In Love Again

“Pangako, hindi ako susuko.
Patuloy kitang mamahalin
hanggang sa ma-realize mo na mahal mo na rin ako…”
Isa lang naman ang hinahangad ni Nimfa? ang makatagpo ng lalaking magmamahal at pag-uukulan siya ng atensiyon. A man who was a keeper. Sa kasawiang palad, tatlong beses na siyang bigong mahanap ang lalaking iyon. Pero nang dumating si Rayjen Castillejo sa kanyang buhay, tinanong niya ang puso kung handa na ba itong sumugal muli.
“Then, you can give up everything for me?”
“No,” mabilis nitong sagot.
“You are my everything Nimfa and I just can’t give you up.”

Chapter 1

BALIK-TRABAHO na si Nimfa matapos ang ilang linggong pamamahinga niya. Sa totoo lang, hindi pa sapat ang mga araw na iyon upang humilom ang sugat sa kanyang puso. Hindi naman kasi talagang madaling bumangon mula sa sakit na dinanas niya pero kailangan niyang magpakatatag. Tama ang abuela niya at ang kaibigang si Izel, hindi maaaring doon tumigil ang buhay niya. Hindi ang isang lalaki ang hahayaan niyang sumira ng buhay na pinaghirapan niyang mabuo.
Walang tumikim ng ligaya na hindi umiinom ng luha pagkatapos. Pero, bakit ganoon? Sa ikatlong pagkakataon ay natikman na naman niya ang lupit ng pag-ibig. Una, ipinagpalit siya sa ibang babae at sa kaibigan pa niya; ikalawa, walang oras sa kanya; at ang ikatlo ang pinakamalala sa lahat?busy na nga sa trabaho ay nagawa pa siyang pagtaksilan! Well, iba palang trabaho ang inaatupag nito. Ang mambabae.
Doble-dobleng sakit ang natamo niya sa huling nakarelasyon, idagdag pa ang naudlot nilang kasal. Kung bakit ba naman pinaasa nito ang kaawa-awa niyang puso at pagkaraan nama’y lolokohin lang pala siya? Ang buong akala pa naman din niya ay kaiba si Kio Altamirano sa lahat ng mga nakilala niya. Hindi pala. Pare-pareho lang silang lahat?mga manloloko at mapagpaasa! Hindi ba talaga nakokontento ang mga lalaki sa iisang babae? Nasapo niya ang dibdib sa nararamdamang hapdi sa kaloob-looban niya. Nakatakas din ang ilang butil ng luha sa kanyang mga mata.
Marahas niyang pinahid ang humulagpos na luha. Kapagkuwa’y pinatay ang makina ng kotse. Taas-noo siyang umibis ng sasakyan. Pilit niyang pinasilay ang ngiti sa kanyang mga labi at pagkuwa’y binagtas niya ang daan papasok sa Magic Touch Salon. Ang salon na iyon ang dream come true nila ng matalik na kaibigang si Izel. Hair and make-up, spa, Jacuzzi at massage ang ilan sa mga serbisyo nila. Sila mismo ni Izel ang nagdisenyo ng kabuuan ng salon. Nagawa nilang mapalago iyon at nakakuha ng mga valued clients. Sa magkatuwang na pagsusumikap, isa na ngayon ang salon nila sa mga kinikilala sa buong bansa. Nag-eexport din sila ng ilang cosmetic products sa ilang panig ng bansa.
“Good morning, Ma’am,” bati sa kanya ng mga empleyadang nakakasalubong niya. Bagama’t masigla ang pagbati ng mga iyon sa kanya, mababakas naman sa mga mata ng mga ito ang pakikisimpatya sa nararamdaman niya. Bawat employee nila ay malapit na sa puso nila ni Izel. Pamilya na ang turing nila sa isa’t isa kaya ganoon na lamang din ang lungkot ng mga ito sa sinapit niya.
May isang hindi nakatiis at sadyang tinanong kung kaya na ba niyang magtrabaho. Nagtanan siya ng buntong-hininga bago nagawang sagutin ang tanong nito.
“Of course, I am capable of working already. At saka, hindi naman ako nagkasakit, ‘di ba? There’s nothing to worry about,” aniya, sabay martsa papasok ng kanyang opisina.
Ibinagsak na lamang niya nang basta-basta ang dalang bag sa couch na nandoon. Wari ba’y gusto na naman niyang humilata at mag-iiiyak pero hindi niya gustong masaksihan ng mga empleyada niya ang kalunos-lunos niyang sitwasyon. It was really hard pretending that she’s very fine, gayong hayun at parang pinupunit sa maliliit na piraso ang puso niya. Napakasakit!
Umupo siya sa executive chair at saka isinandal ang ulo roon. Santambak na ang trabahong iniwan niya. Kinuha niya ang folder sa isang tabi at sinuri ang nilalaman niyon. May new proposed project pala si Izel para sa salon. A membership card. Aabutin sana niya ang fountain pen sa isang tabi para aprubahan ang proyektong iyon nang mahagip ng mga mata niya ang isang magazine.
Natigilan siya. Hindi pa pala niya naibabasura ang magazine na iyon. Inabot niya iyon at saka binuklat hanggang sa makarating sa pahina kung saan nakalathala ang nalalapit na pagpapakasal ng kanyang ex-fiancé. Nagpatakan ang luha sa mga mata niya nang muli niyang binasa ang artikulong iyon. Kio Altamirano is marrying another woman?
Naging malaking kontrebersiya iyon na yumanig sa buong bansa. Bakit ba naman hindi, eh, ilang buwan bago inilabas ang balitang iyon ay masayang inanunsyo nila sa media ang pagpapakasal nila. Pagkatapos, biglang sumiklab ang balitang iyon. So terrific! Mas ikinagulat ng mga ito nang malamang sekretarya ‘di umano nito ang bagong bride nito. Oh yeah, ang babaeng lagi niyang pinagseselosan. Ang babaeng laging kasa-kasama nito sa business meeting. Ilang beses siyang naghinala pero nagtiwala pa rin siya sa sinabi nitong walang namamagitan sa kanila. Hindi ba’t kalakip ng pagmamahal ang pagtitiwala, kaya naman ibinigay niya nang buong-buo ang tiwala niya rito. Iyon ang pinakamalaking kamaliang ginawa niya. Kung tutuusin, may kasalanan din siya sa nangyari. Kung bakit naman kasi ang dali niyang magtiwala sa ibang tao?
Simula ng insidenteng iyon, gumulo ang tahimik niyang buhay. No, no. Nagsimulang gumulo ang simpleng buhay niya nang makilala niya si Kio. Kilala sa lipunan ang lalaki dahil ito ang nagmamay-ari ng pinakamalaki at pinakatanyag na construction firm sa bansa. Isinugal niya ang puso para lang maramdaman muli ang magmahal at mahalin. Masaya ang mga unang buwan ng relasyon nila. Hindi ito nagkukulang ng atensiyon sa kanya hanggang sa unti-unti ay nawawalan na ito ng oras sa kanya. Inunawa niya ito dahil alam niya kung gaano ka-hectic ang schedule nito. Gaya niya, nag-iisang anak din ito kaya sa mga kamay nito isinalin ang pamamahala sa business at properties ng pamilya nito. Kaya sige, pinagbigyan niya ang makailang beses na hindi nito pagsagot sa tawag niya.
Hanggang sa isang araw ay nagulat na lamang siya nang tumawag ito at niyaya siyang kumain sa labas. Sabik siyang makita ito kaya walang pasubaling tinanggap niya ang alok nito. Ganoon na lamang ang gulat niya nang sa gabi ring iyon ay nag-propose ito sa kanya. Iyon daw ang dahilan nang ilang araw na hindi nito pagpaparamdam sa kanya. Iniisip daw nito kung paano siya aalukin ng kasal. That was the best night she ever had. She accepted his proposal. Kinabukasan din ay isinaayos ang mga preparations sa kasal.
Maayos na sana ang lahat at abot na abot na niya ang pangarap na magkaroon ng isang masayang pamilya sa piling ng lalaking minamahal niya nang walang anu-ano ay… Naipikit niya nang mariin ang mga mata sa isang tagpong dumaan sa kanyang isipan.
Kasing ganda ng sikat ng araw ang ngiting nakapagkit sa kanyang mga labi. Papunta siya sa condo ni Kio. Plano niyang sorpresahin ito ng araw na iyon. She has with her the final design of their wedding invitation. Bawat makasalubong niya ay hindi niya nakakalimutang ngitian. In two weeks’ time, ikakasal na siya! Sino ba ang hindi magiging masaya, hindi ba? She couldn’t wait to be Mrs. Kio Altamirano.
Nang sa wakas ay nasa tapat na siya ng pintuan ng unit ng nobyo, inilabas niya ang duplicate key na ibinigay sa kanya ni Kio. Siya mismo ang nag-request niyon para in-case of emergency ay agad niya itong mapupuntahan.
Isinuksok niya ang susi ngunit nabigla siya dahil bukas na pala iyon. Ini-expect na kaya ng nobyo ang pagbisita niya? Imbes na isipin iyon ay dahan-dahan na lamang siyang pumasok sa loob. Napapailing siya nang matanawan ang damit nitong nagkalat sa receiving area. Isa-isa niyang pinulot ang baro nito ngunit napatda siya at tila tinakasan ng dugo ang mukha niya nang may makita siyang panty at bra. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pulang dress na nasa isang tabi. Napalunok siya. Her body was shaking.
Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng ungol na nagmumula sa silid ng nobyo. Naninikip ang dibdib at namimigat ang mga paa niya habang hinahakbang ang distansiyang nakapagitan. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang seradura.
“Honey, oh please…” narinig niyang ungot ng babae.
Doon na niya tuluyang pinihit ang pinto. Kapwa napatigil ang dalawa sa ginagawa. Agad-agad namang hinila ng babae ang kumot paitaas sa hubad nitong katawan.
“Ni-Nimfa…” anang boses ni Kio. Nagmamadali din itong kumuha ng itatakip sa katawan at pagkuwa’y lumapit sa kanya.
“Stop there. Huwag kang lalapit sa akin.” Namamaos ang tinig na sabi niya. Napatingin siya sa babae. Kilang-kilala niya iyon. Sa dinami-rami ng babae, bakit iyon pang sekretarya nito? Sinasabi na nga ba niya. Noon pa man ay hindi na panatag ang loob nya rito.
“Mga walanghiya kayo! Mga baboy kayo!” Hindi siya aalis doon na hindi nakakapagbitiw ng masasakit at maanghang na salita.
“Baby, let me explain…” Tinangka nitong lumapit at hawakan ang braso niya.
Iwinaksi niya ng kamay nito. “Don’t touch me! Baka kung ano pang germs ang kumapit sa akin!”
“It’s not what you think…”
Napatawa siya. “Oh, ano ba ang ginagawa ninyo? Nagkikilitian habang nakahubad? Naglalaro ng hide and seek at ang hinahanap ay ang mga damit ninyo? Oh wow! Perfect!”
“Nimfa, I’m sorry…”
“Kio, alam mo kung gaano ako nagseselos sa sekretarya mo, ‘di ba? Inggit na inggit ako sa kanya dahil lagi ka niyang nakakasama. ‘Tapos ito pala. Iyan ba ang business meeting na inaatupag mo, ha! Damn you! Kaya ba inalok mo ko ng kasal para mapagtakpan ang mga ginagawa mo? I will never ever forgive you, Kio! I hate you! Napakatanga ko na minahal kita!”
Iyon lang at tinalikuran niya ito ngunit may bigla siyang naalala. Bumalik siya at saka isinampal sa pagmumukha nito ang wedding invitation nila.
Kumawala ang iniimpit na hagulhol ni Nimfa. Napasubsob siya sa kanyang desk. Nasa ganoong ayos siya nang may pumasok sa kanyang opisina. Ilang segundo lamang ay may naramdaman siyang humahagod sa kanyang likuran. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Izel.
“Sinabi ko naman sa iyo na ako muna ang bahala sa salon, eh. You’re not yet ready. You’re not yet healed. You should rest pa,” anito.
“Best, what’s wrong with me? Ang sabi n’yo naman, maganda ako, sexy, matalino pero bakit gano’n? Bakit ipinagpalit ako ni Kio kay Lucille? Saan ba ako nagkulang? Dahil ba hindi ko ibinigay ang sarili ko sa kanya kaya siya ang pinili niya kaysa sa akin?”
“Ssh. Don’t say that. “ Hinawi nito ang buhok na nagsambulat sa mukha niya at saka iniipit sa likod ng kanyang tainga. “Wala kang naging pagkukulang. Si Kio ang mali. Maling-mali na pinakawalan niya ang isang tulad mo. Pero, okay na rin ang nangyari, eh. You don’t deserve a man like him. He doesn’t worth your tears. He doesn’t deserve your love.”
“Hindi ko pa rin maintindihan. Bakit lahat na lang ng minahal ko, eh, ipinagpalit ako sa iba?”
“Kasi bulag sila. Hindi nila nakita ang importansya mo. Start moving on, sis. Someday, you will meet someone. Isang lalaking deserve mo, deserve ang pagmamahal mo. Tumahan ka na.”
Umiling siya. “Ayoko na, Izel. Pagod at sawa na kong magmahal. I’ve been through so much heartaches. Sapat na ‘yon para madala ako. Hindi ko na ulit hahayaang maragdagan pa ‘yong patong-patong na sugat sa puso ko.”
“Nimfa…”
She sits up straight. “So, tell me about your proposed project.”
“But?”
“I can work already. If I’m not going to do this, mababaliw lang ako. At saka wala rin namang akong gagawin sa bahay kundi ang umiyak. At least here, magiging abala ako.”
“Are you really sure?”
Tumangu-tango siya bilang tugon.
“IT’S TIME to take a break, my dear.”
Mula sa mga pinipirmahang dokumento ay saglit na tinapunan ng tingin ni Nimfa si Izel. Kapagkuwan ay nagsalita, “I’m not yet finished here. Ikaw na lang muna siguro ang kumain. Besides, hindi pa rin naman ako nagugutom.”
“Oh come on, Nimfa. Don’t be too hard on yourself. Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo, eh.”
“Izel, hindi ko ikamamatay ang hindi pagkain ng isang beses.”
“And what do you think of me, Nimfa? Akala mo ba hindi ko alam na hindi ka naman kumakain sa inyo? Eh, ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo, ha?”
Napatigil siya sa ginagawa at napasandal sa backrest ng executive chair. Sinalubong niya ang tingin ng kaibigan. “Gusto mo ba talagang malaman ang gusto kong mangyari? Gusto kong makitang lumuhod sa akin si Kio. Magmakaawa na balikan ko siya. Gusto kong maramdaman niya ‘yong sakit na ipinaramdam niya sa akin. Iyon ba ang gusto mong marinig, Izel?”
“Nimfa naman… We’re already done with this, ‘di ba? Napag-usapan na nating magmu-move on ka na. Pabayaan mo na lang sila. Makakarma rin sila.”
Napatayo siya at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang opisina. Mula roon ay natatanaw niya ang construction firm ng mga Altamirano. At sa paningin niya ay unti-unti iyong naguguho.
“Ako na ang magiging pinakamasayang tao sa balat ng lupa kapag nasaksihan ko ang pagbagsak ni Kio Altamirano. I swear, pagbabayaran niya ang lahat ng panlolokong ginawa niya sa akin.”
Tinapik ng kaibigan ang kanyang balikat. “Halika, magpalamig na muna tayo. I know a place kung saan ka makakapag-relax.”
Wala na siyang nagawa nang hilahin siya nito. Ang Spring Restobar pala ang tinutukoy nito. Nanariwa sa alaala ni Nimfa ang kauna-unahang beses na natuntong ang mga paa niya sa restobar. Iyon ay ang mga panahong napagdesisyunan niyang wakasan ang relasyon niya kay Brett?ang unang lalaking minahal niya. Halos lunurin niya ang sarili sa alak ng mga oras na iyon. Masuwerte pa rin siya dahil napadaan noon si Izel at ito pa mismo ang naghatid sa kanya pauwi. Doon niya napag-alaman na pinsan pala nito ang nagmamay-ari ng restobar.
Simula nang araw na iyon, napadalas pa ang pagpunta niya sa bar. Pampalipas-oras kumbaga. Sa tuwing umaga, isa iyong pangkaraniwang restaurant na dinarayo ng mga tao. Sea food ang specialty ng resto at ang pinakadinarayo naman doon ay ang masarap nilang buko shake na pinili nilang ilagay mismo sa buko shell. Bukod pa roon, naka-sentro ang lugar sa Maynila kaya kung sa itaas ka naka-puwesto, kitang-kita ang view ng buong lungsod.
Romantic din ang settings sa paligid kung saan ang mga upuan ay pa-hugis puso pa ang mga disenyo, with matching sweet music. Mayroon ding freedom wall sa pinaka-ground floor kung saan puwede mong iparating ang komento mo sa restaurant o kaya naman ay ang nararamdaman mo ukol sa isang tao.
At kung gabi naman, isa na iyong bar. Pero kaiba sa mga pangkaraniwang bar, hindi iyon gaano kaingay. Instead of disco music, mga romantic songs ang pinapatugtog sa resto. May sarili rin silang mga band performers. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya asiwa sa tuwing nagpupunta siya roon.
“Can I take your order, Ma’am?” ani waiter na nagpabalik ng kanyang huwisyo.
Sinabi niya ang order saka muling idinako ang mga mata sa clear glass mirror. Tila nawalis lahat ang kanyang alalahanin pagkakita sa napakagandang view.
“See? Sinasabi ko na nga ba’t ito ang tamang lugar para sa iyo, eh.” anito.
“Matanong ko lang, Izel. Iyong pinsan mo na may-ari nito, kailan ba siya babalik ng Pilipinas?”
“Interested? Alam mo, single ‘yon. May pagkasuplado nga lang kung minsan pero guwapo iyon at saka…ibang magmahal.” saad nito sa malambing na tinig.
Napapailing siya. “Hindi mo naman sinagot ang tanong ko. At saka, napag-usapan na rin natin na pahinga muna ako sa pakikipagrelasyon, ‘di ba?”
“Sabi ko nga po. And with regard sa tinatanong mo, wala pa kong natatanggap na balita na uuwi na si kuya. At alam mo bang?”
She lifted her hand at itinapat iyon sa mukha nito. “Huwag mo nang ituloy, Izel.” Nahuhulaan na kasi niya ang susunod nitong sasabihin.
“Isa na lang, promise!” ungot nito. Hindi na siya nito hinayaan pang makpagprotesta, agad nitong isinatinig ang nais sabihin. “Gusto ko lang i-tsismis sa iyo na brokenhearted din si Kuya Rayjen no’ng umalis siya ng bansa. Grabe nga, eh. Ipinagpalit siya ng girlfriend niya sa ibang lalaking mas mayaman.”
“Wala na talagang kakontentuhan ang mga tao, ‘no? Nandito na nga kami’t nagmamahal sa kanila pero naghahanap pa rin ng iba.”
“Oopps. Birds of the same feather, ha? Baka naman kayo talaga ni Kuya Ray ang para sa isa’t isa?” sabi nito na tila kinikilig.
Nagbuhol ang kilay niya at saka napailing-iling. “Ikaw talaga, kung anu-ano ang pinagsasasabi mo diyan.”
“Brokenhearted ka lang ay hindi ka na mabiro…”
“Ewan ko sa ‘yo!”

Please Don't Forget To Comment ♥

A Night With A Stranger

Umiiyak si Althea sa sofa ng sariling flat nag-away kasi sila ng boyfriend niyang si Nickson. Hindi parin niya matanggap na nagawa siya nitong lokohin sa tagal na nilang magkarelasyon. Akala niya ay ito na talaga ang para sa kanya ngunit nagkamali pala siya nang mahuli niya itong nambababae at hindi naman nito iyon itinanggi, sa halip ay siya pa ang sinisi nito dahil siya daw ang may pagkukulang. Pagkukulang ba ang hindi pagpayag sa pre-marital sex? Aatungal n asana siya kaso hindi natuloy ng biglang bumukas ang pinto at at pumasok si Louie.
“Ba’t ngumangawa ka diyan?” Nakataas kilay na tanong ng bagong dating kay Althea.
“Alam mo naman kung anong nangayari sa akin,” sumisibing sagot niya dito.
“Iniiyakan mo na naman ‘yung ex mong mukhang fungus? Lola, tumigil ka na dahil saying lang ‘yan. Okay sana kung burol niya eh hind naman.”
Napasimangot si Althea nang marinig ang nickname na ibinigay nito sa boyfriend niya. “Tigilan mo na nga ‘yang pagtawag sa sa boyfriend ko ng ganyan.” Saway niya rito.
“Boyfriend ka dyan, ex mo na siya. Ni hindi nga nagpakita man lang sa loob ng dalawang linggo.” Pagtatama ni Louie sa kahibangan ng kaibigan. Nag-ring ang telepono at siya ang dumampot dahil mukhang walang planong tumayo ni Althea. “Napatawag ka?” Tanong niya sa kaibigang si Thora na siyang nasa kabilang linya.
“Kukumustahin ko lang sana si Althea.” Sagot nito
“Heto iniiyakan parin ‘yung ex niyang mukhang foot disease.” Walang anumang sagot ni Louie.
Malakas ang naging pagtawa ni Thora. Maging si Althea ay napangiti narin. Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo nito. Ibinigay nito ang telepono sa kanya at siya naman ang kinausap ni Thora.
“Makaka-recover ka rin. It’s his loss not yours, makitid lang talaga ang utak ng isang ‘yun.” Pang-aalo ni Thora.
Gumaan ang pakiramdam ni Althea sa narinig. Pero hindi pa rin niya maiwasang magduda na kagaya ni Louie ay sang-ayon ito sa naging breakup nila ni Nickson. Dahil gaya ni Louie ay ayaw nito sa lalaki although hindi nito iyon tahasang ipinapakita. Bumalik sa isipan ang isang eksena three months ago…
“Louie, sa palagay mo ano ba ang mas magandang iregalo kay Nick?”
“Foot powder. Marami nun sa grocery section.” Sagot nito.
“Bakit?” Naghihinalang tanong niya dito. Malakas ang pakiramdam niyang may naglalaro nanaman sa isip nito.
“Para naman mabago ‘yung mukha niyang parang paa. Effective ‘yun para maalis ang mga fungi.”
Hindi na lang niya ito pinatulan. Kasalanan rin naman niya dahil alam niya na hindi ito pabor kay Nick. But seriously her boyfriend is handsome ewan nga ba niya at palagi itong pinag-iinitan ni Louie.
“Tahan ka na ha? Masisira ang beauty mo niyan. Ang mabuti pa ay magbakasyon ka dito para naman may makasama kaming tatlo ng kambal dahil may conference ang kuya Hunter mo sa Hong Kong. Wala rin si Jairus.” Ang tinig ni Thora ang pumutol sa kudlit na ala-alang iyon. At tama ito, nami-miss narin niya sina Zian at Dyllan. Pero nang banggitin ni Thora ang pangalan ng pinsan nito ay ‘di niya mapigilan ang sarili na ma-curious. It has been a year mula nang makita niya uli ang kaibigan nang mawala ito five years ago. Naikuwento na rin ni Thora ang mga nangyari sa kanya pati narin ang pinsan daw nitong si Jairus na siyang nag-alaga sa kanya at sa kambal. Pero ni minsan sa loob ng isang taon ay hindi niya pa nakakasalamuha ang pinsan nito and that got her curious.
“Thora’s right. Maybe a change of environment would do the trick at tuluyan nang mawala sa isip mo ang mukhang paa na iyon. His such a jerk, you know, kung nandoon lang sana ako nang sabihin niyang gusto ka niyang ikama nuncang nguso ng baril ko ang ipahalik ko sa kanya.” Sang-ayon ni Louie na nakikinig sa kanila dahil naka-on ang speaker.
Kailan nga ba ang huling bakasyon niya? Matagal narin, mag-iisang taon na dahil subsob siya sa trabaho. Tama nga siguro ang mga kaibigan niyang bakasyon ang makakatulong para maka-move on na siya. Hindi na nagdalawang salita ang mga ito dahil agad siyang pumayag. Magpapasa na lang siya ng indefinite leave sa kompanya.
*****
She arrived the next week via helicopter dahil personal na ipinasundo siya ni Thora. Ang mga guest kasi talaga ng resort ay kinukuha lang sa pantalan ng mainland ng lantsa ng hotel. Si Thora mismo ang sumalubong sa kanya kasama ang kambal na mag-aanim na taon na sa susunod na buwan.
“Tita!” Magkapanabay na bati ng dalawa at nakangiting yumakap sa kanya.
“Na-miss ko kayo! Last month pa nung huli ko kayong makita ah, nung dalawin ninyo ang lolo’t lola ninyo.” Ginulo niya ang buhok ng dalawa bago bumaling kay Thora.“Kailan ang balik ni kuya?
“Bukas makalawa pa. Halika na, sa villa ka mag-stay kasama namin ha?” sagot ni Thora sa kaibigan.
“Pwede bang sa hotel na lang? kahit ako na ang magbayad sa accommodation ko.” Pakiusap ni Althea.
Naiintindihan ni Thora ang kaijbigan. Gusto nitong mapag-isa, ang problema ay walang available na suite dahil peak season.
Sasabihin na sana niya dito ang problema nang biglang pumasok sa isip niya ang private suite ni Jairus. Hindi pa naman siguro babalik ang isang ‘yun. Busy sa iba pa naming negosyo. Kaya naman sinamahan niya ito at dinala sa bakanteng kwarto ng pinsan. Hindi niya ipinaalam na kay Jairus iyon dahil baka mapilitan pa itong sumama sa kanila sa villa.
“Pagpapsensyahan mo na ang design, ha? Panglalaki, si Jairus kasi ang nagpa-design sa floor nato pati na ang mga kuwarto.” Pagkakaila na lang ni Thora.
Natigilan si Althea nang banggitin uli ng kaibigan ang pangalang iyon. Gusto na talaga niya itong makita pero sa di niya maipaliwanang na dahilan ay hindi talaga sila nagpapang-abot.
“Okay lang, gusto ko nga eh. May taste yang pinsan mo infairness. The room has a touch of mysterygayaniya.” At bigla siyang natawa sa sinabi.
The interior of the room was in the shades of maroon, black and grey. Dim pero maganda sa paningin at nakaka-relax.
Tinungo niya ang kuwarto at nang buksan niya ang malaking built in cabinet ay may nakita siyang ilang piraso ng damit panglalaki at napatingin siya kay Thora na kasunod niya.
“Kanino ang mga ‘to?”
Patay, kay Jairus ang mga iyan! Kamuntik nang maibulalas ni Thora ngunit pinigil niya ang sarili, “Sa guest na umukupa dito before sayo two days ago. Nagmamadaling umalis eh, kaya naiwan.” Pagsisinungaling niya. “Itabi mo na lang diyan total malaki naman ang cabinet.” Mabuti na lang nasa spare bedroom ‘yung iba pang gamit niya. At buti narin wala ang kambal kung hindi kanina pa siya na bokya.
Sinunod ni Althea ang sinabi nito. Tinulungan siya nitong mag-ayos ng gamit at napansin niyang parang ingat na ingat ito sa mga damit na iyon pero binalewala na lang niya. Pagkatapos ay sabay silang bumaba at nag-lunch sa resto ng hotel kasama ang mga pamangkin niya.
“Tita, sabi ni mommy, pupunta na daw kami ng school next year.” Masayang pagbibida ni Zian maging si Dyllan ay nakangiti rin.
“Talaga? Ang galing naman.” Ginulo uli niya ang mga buhok ng dalwang bata.
Nang matapos silang kumain ay naglaro muna sila ng mga bata sa beach at bandang hapon na nang tumigil. Hapong-hapo narin siya nang makabalik sa suite pagkatapos ihatid ang mga bata sa villa.
*****
Masyadong maraming gawain sa office kanina. He needs relaxation right now at bigla namang naglaro sa kanyang isip ang resort dahil isang buwan na mula nang huli siyang makabisita dun. Hanggang tawag lang siya sa pinsan niya at mga pamangkin. Tapos ngayon silang tatlo lang at ang tatlong kasambahay ang nasa villa dahil wala si Hunter.
“Sir, nandito po ‘yung iba pa ninyong pipirmahan na mga papeles.” Malambing na wika ng secretary niyang si Thelma.
Matagal na talaga niyang nahahalata na may pagtingin ito sa kanya pero hindi na lang niya pinapansin dahil hanggang boss-secretary relationship talaga sila.
“Pakilapag na lang diyan.” Utos niya dito sa pormal na tinig habamg patuloy na nakatingin sa labas ng malaking bintana.
“Miss Andrade, may mga appointments ba ako bukas?”
“Wala, Sir. Pero sa makalawa ay meron with Mr. Ching about sa deal ninyo dahil iko-close na iyon formally.” Hindi parin nagbabago ang timbre ng tinig nito.
“Anything else, Sir?” Sa tono ng pananalita nito ay parang may gusto itong i-insinuate.
“Yes, I’ll be away tomorrow kaya ikw muna ang in charge dito sa office dahil may pupuntahan lang akong importante.”
“Okay po.” Sagot nito at agad nang humakbang palabas ng office.
Agad nagpagpahatid si Jairus sa helicopter ng isang kaibigan hanggang sa pribadong pier ng resort at doon ginamit niya ang sariling yate.
****
Muling bumaba si Althea sa beach at pinagmasdan ang dagat. Kanina pa ring nang ring ang cellphone niya at si Nickson ang tumatawag pero hindi niya iyon pinansin, sahalip ay ini-off iyon. Gusto niyang makapag-isip at hindi ito makakatulong sa kanya sa ngayon. Biglang bumalik sa kanyang isip ang araw na nahuli niya itong nambababae…
Nasa pad kaya niya ang lalaking iyon? It has been a week since they last talked dahil nag-out of town ito kasi may problema raw sa isang branch ng negosyo ng pamilya nito na nasaBaguio. Gamit ang sariling susi ay pumasok siya sa loob.
She wanted to surprise him kaya hindi niya ito tinawag at diretsong tinungo ang kuwarto ng katipan na hindi nakasarado, ‘yun pala ay siya ang masosorpresa dahil naabutan niya itong nag-e-aerobics sakamana may ibang kasamang babae.
Parang hindi siya napansin ng mga ito na nagpatuloy lang sa paggiling ang lalaki na parang frustrated macho dancer.
“So, ito pala ang ideya mo sakama. You look so funny…” wika niya sa malamig na tono.
“Althea, anong ginagawa mo rito?” agad na tanong ni Nick sa kanya nang malingunan siya.
“Hindi ko alam na bawal na pala ako dito.” Sarcastic na sagot niya. “At ikaw anong ginagawa mo? Kaya ka siguro na wala ng isang linggo ay ito ang inaatupag mo.”
“Kasalanan mo kung bakit ko ‘to ginagawa. Kung hindi kasananagkulang hindi tayo hahantong sa ganito.” Galit na sagot ni Nick.
At siya pa ang lumabas na may kasalanan. Hindi na niya na kayanan ang sarili kaya lumapit siya rito at pinatikim ng mag-asawang sampal bago galit na umalis. Masyadong mataas ang pride niya para umiyak sa harapan nito.
Ang malamig na tubig sa kanyang paa ang pumutol sa kudlit na alaalang iyon at namalayan na lang niya nasa matubig na bahagi na pala siya ng dalampasigan. Maya-maya pa ay naisipan na niyang bumalik ng kanyang suite at magpahinga na lamang.
****
Nagising si Althea sa malalim na pagkakatulog at agad na inilingap ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Parang gusto niya mapatalon mula sakama nang makitang may ibang taong nakatayo sa terrace ng mismong suite niya. Nakaharap ito sa gawi niya at hindi sapat ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan upang maaninag ang mukha nito, pero kung bulto ng katawan ang pagbabasehan alam niyang malaking lalaki ito. Naka-krus ang mga bisig nito at kahit hindi man niya Makita ang mga mata nito ay ramdam niyang pinagmamasdan siya nitong maigi.
“Who are you?” he said in a deep baritone voice.
Hindi makagalaw si Althea. The way he said it, parang galit. Bago pa man siya makaimik ay muli itong nagsalita.
“Don’t you know that you’re trespassing?”
Trespassing? Naitanong ni Althea sa sarili. Kinabahan siyang nang magsimula itong maglakad papunta sa gawi niya.
It was a slow pace but a dangerous one. She could sense physical power vibrating from his godlike physique. Nang sadaling matamaan ng mapusyaw na liwanag ang mukha nito ay nahigit niya ang kanyang hininga. This man could be a cover for GQ edition!
“I was wondering, ano kaya ang magandang gawin sa mga katulad mo?” sabi ng estranghero sa mababang tinig.
Bigla napaalis si Althea sa kamanang mag-register sa utak niyang nalulusaw na yata ang mga sinabi nito. Something told her that he’s not joking at all. Ngunit bago pa man siya makatakbo ay nahapit na siya nito sa beywang.
I’m a dead meat…
Please don't forget to comment

Beauty is the beast

                                                                
TEASER
PANGIT
yan ang tawag kay Ava noon. Every time na naaalala
niya ang mga matatalim
at masasakit na salita na ibinibigay sa kanya ay na
sasaktan siya--- well, sino ba naman ang
hindi?
Dahil sa pang- iinsultong natatanggap dahil lamang
sa kanya hitsura ay naging mabababa
ang kanyang self esteem. Naubusan na din siya ng pa
g asa na mayroong makikipagkaibigan at
magmamahal sa kanya. Nagkamali siya doon nang makil
ala niya sila Alyssa at Sophia. Ibang iba
ang mga ito kahit na magaganda ang mga ito. Mas lal
o siyang nagbago ng pananaw ng makilala
pa niya si Steven, minahal niya ito kahit batid niy
ang masasaktan lang siya dahil ang minahal
niya ay halos isang perpektong tao.
At hindi nga siya nagkamali dahil isang araw, narin
ig niya ang pag-uusap ng mga
kaibigan nito. Sa bibig mismo ni Steven nagmula ang
mga katagang ayaw na ayaw niyang
marinig. Akala niya iba din ito katulad nila Sophia
at Alyssa pero isang lang iyong akala. Dahil
sa sobrang nasaktan, minabuti niyang pumunta sa Eur
ope at magsimula ng panibagong buhay
doon.
Pagkalipas ng ilang taon, bumalik si Ava sa Pilipin
as. Ngayon ang ugly duckling at beast
ay naging beautiful swan na. Babalikan niya lahat n
g nanakit sa kanya--- at unang-una sa listahan
ay si STEVEN SANDOVAL. Pagbabayarin niya ito at sis
iguraduhin niyang pagsisisihan nito
ang mga sinabi nito sa kanya. Pero paano kung sa pa
gbabalik niya ay malaman niyang mahal
niya pa rin ito? Magagawa pa kaya niya ang planong
paghihiganti dito?.. 
CHAPTER ONE
26 YEARS
old na si Ava ngunit malinaw na malinaw pa rin sa
kanyang ala-ala ang mga
taong lumipas. Isang nakalipas na masalimuot at nak
akalungkot. Naroon pa rin sa kanyang isipan
ang mga pang-iinsulto, pangmamaliit, at masasakit n
a mga salita na binitiwan sa kanya dahil
lamang sa kanyang hitsura.
Hindi niya maiwasang mapaluha sa tuwing naaalala an
g pagtrato sa kanya ng mga tao, na
para bang may nakakahawa siyang sakit na iniiwasan
ng mga ito. Mabuti na lamang at nakatagpo
siya ng mabubuti at tunay na mga kaibigan sa katauh
an nila Alyssa at Sophia.
Sila Sophia at Alyssa ay magkababata at parehong si
kat sa paaralan dahil sa taglay na
maaamong mukha, katalinuhan, at angking talento. No
ong una ay akala niya katulad lang ang
mga ito sa iba na masusungit, mapanghusga at masasa
ma ang ugali na kadalasang nakikita niya
sa may mga magagandang mukha pero nagkamali siya da
hil naging kabaliktaran iyon sa
kanyang inaakala at napatunayan niya iyon sa isang
pangyayari...
"Hey, here comes the ugly duckling--- oh sorry! Wha
t I mean is the beast" madiin na sabi
ng isang babae na seninyasan pa ang isa pang babae.
Halatang may gagawin na hindi kaaya-
aya.
Nakayukong naglalakad ang labing-limang taong si Av
a sa hallway. Katulad ng dati sa
tuwing napapadaan siya ay naririnig niya ang mga ma
-aanghang na salita tungkol sa kanyang
hitsura.
"Ouch!" daing niya nang madapa siya mula sa pagkaka
patid.
Tinawanan siya ng mga tao na naroon dahil sa naging
ekspresyon ng kanyang mukha.
Lumapit ang dalawang magagandang babaeng may kagaga
wan ng kanyang pagkakapatid.
They're laughing evily while intently looking at he
re helpless position on the floor. Sa paningin
niya ay tila nagkaroon ng sungay ang mga mala-anghe
l na mukha ng dalawa

"Oops!" sabay takip sa bibig. "Sorry, I thought I s
aw a walking rug eh" wika ng isa na
nagngangalang Camille.
Tumawa pa ng mas malakas si Aaliyah. "Your right ng
a sis e, she's like a walking rug---
a fatty, ugly, dirty one" tinignan siya nito mula s
a pagkakaupo sa sahig. "Just look at that fats
and that ugly oily face, full of pimples and with a
thick glasses pa that look like from decades
ago" marahan ngunit madiin na sabi nito. Iniyuko na
lang ni Ava ang ulo dahil in any minute
iiyak na siya at ayaw niyang makita ng mga ito ang
kanyang umiiyak na mukha dahil baka lalo
lamang siyang insultuhin ng mga ito.
"Yeah" pinameywangan siya ni Camille at inalapit an
g mukha "Way, way disgusting!"
"Eew!" sabay na wika ng dalawa na nag-appear pa at
nagtawanan.
"You don't belong in this school ‘cause you’re so u
gly! You know, your just ruining the
name of this---" naputol ang sasabihin ni Aaliyah n
ang may magsalita mula sa kanilang likuran.
"If there's any ugly here, its you two! Can you two
please have at least some manners!"
Pagkarinig nila nun ay sabay silang napalingon sa b
agong dating. "Sophia!" sabay na
wika ng dalawang babae.
"Oh, so it’s the Jimenez siblings. I was wondering
who are making a big fuss here and
turned out the two of you whom by any means are hea
rtless unmannered beings.” she paused
and did a quoting sign "bullying and saying harsh w
ords. I should have known its you two
because both of you have bad stinky attitudes!" sit
a ni Sophia sa dalawa.
"Stay out of this Sop---"naputol na naman ang sasab
ihin ni Aaliyah nang dumating si
Alyssa, ang president ng Student Council.
"What's happening here?" aniya
"Well, this two here Al is bullying Ms. Hernandez"
sumbong ni Sophia dito.
"Ahh, I see" binalingan nito ng tingin ang dalawa.
"You know Ms. Camille and Ms.
Aaliyah Jimenez that this school prohibits bullying
right? Do you want me to report this
incidents to the guidance office huh?" mahinahong s
abi ni Alyssa pero ang tono ay may halong
pagbabanta.
"N-no, please Ms. President--- it will not happen a
gain we promise!" sabay na wika nila
Aaliyah at Camille at itinaas pa ang mga kanang kam
ay para mangako kung pwede nga itataas
din nila ang kanilang mga paa para lang hindi itulo
y ni Alyssa ang banta, gagawin nila. Ayaw
kasi nilang masuspende.
"Okay, madali akong kausap now go! Before I change
my mind" pagbabanta na naman
ni Alyssa.
Mabilis namang kumilos ang dalawa. Mabilis pa sa ki
dlat na nilisan ng mga ito ang
lugar pero bago tuluyang umalis ay humingi muna ang
mga ito ng sorry kay Ava.
"Are you okay, Ms. Hernandez?" nag-aalalang tanong
nila Sophia at Alyssa habang
inaaalayan siyang tumayo.
"Yes, I'm okay---" napatigil siya sa pagtayo nang k
umirot ang kanyang paa. Mukhang
na-sprain yata ng mapatid siya. Napaupo siya ulit s
a sahig dahil sa sobrang sakit ng kanyang
paa. Naalarma naman sina Sophia at Alyssa kaya tinu
lungan siya ng mga ito na pumunta sa
School Infirmary.
Simula ng makilala niya sina Sophia at Alyssa ay na
gbago na ang buhay niya.
Pagkatapos ng insidenteng iyon naging kaibigan niya
ang dalawa at naging sobrang malapit sa
isa’t isa hanggang naging mag-bestfriends na ang tu
ringan nila
Tuwing naaalala niya 'yon ay hindi niya maiwasang n
gumiti dahil hindi lamang puro
sakit ang naranasan niya noon at salamat iyon sa da
lawang mabubuting kaibigan. Ang mga
panahon na pinagsamahan nilang tatlo ang isa sa mga
iniingatan niyang mga mahahalagang
alaala.
Napabuntong-hininga siya ng maalala ang mga kaibiga
n. Na mimiss niya na ang mga ito.
Ilang taon na din siyang hindi nakakauwi sa Pilipin
as dahil naging busy siya sa Europa kung
saan siya nagtapos ng kolehiyo at dito na rin nagta
trabaho. Ngayon, isa na siya sa mga sikat na
Pattisier sa buong mundo. May naitayo na rin siyang
eskwelahan para sa mga taong gustong
maging pastry chief katulad niya.
Naputol ang ang kanyang pagbabalik-tanaw sa nakaraa
n nang marinig niya ang kanyang
cellphone na tumutunog.
Speaking of the devil este angel!
Naibulaslas niya ng makita sa screen
ang pangalan ni Sophia at sigurado siyang tatawag d
in mamaya si Alyssa.
"HELLO?"
"Hello dude! It's me Rex."
Napasimangot ang binata at napangunot
ang noo.
What does this man want now?
reklamong anas niya sa sarili.
"Napatawag ka yata,Rex? Is there any problem? Love
problem perhaps?" walang gana
niyang tanong. There would only two possible things
why Rex would call him, it is either about
work or it is about Sophia---Rex's girlfriend whom
he courted since high school. At alam niya
kung bakit ito tumawag at iyon ay ang huli.
Ilang sandali pa at narinig niya ang pagtawa ng kai
bigan sa kabilang linya. "Sira! Its not
about Sophia... okay na kami. Grabe! I have done so
many things that I thought I wouldn’t ever
do just to please her, I dare to and thank god I re
ceived her forgiveness at last. Ang hirap talaga
paamuhin ang isang ‘yon but my sacrifices were all
worth it. Well, back to real reason why I
called up. I just wanted to remind you about our sc
hool reunion this coming Saturday.” 
Marahas siyang napabuntong-hininga "Rex, I have tol
d you a lot of times that I can't
come. I'm a busy man, you know that and I still nee
d to finish all these paper works." angal niya.
"Yeah, yeah, yeah I know, but I’ve also told you a
lot of times that you must come. Don’t
you dare refuse me, man. Just set that works of you
rs aside, okay?"
Ang kulit talaga ng kumag.
Muli ay bulong niya sa sarili.
"But---" bago pa siya makapalag ulit ay inunahan na
siya ng kaibigan.
"For pete's sake Steven! You can work on that paper
works some other time. This reunion
is just for one night. Makakapaghintay yang trabaho
mo, tutal naman you’re the boss. Also,
everyone is expecting for the appearance of the for
mer basketball captain. So---"
"Okay! I'll come. So stop nagging already." pagsuko
niya dahil kung pagpipilitan pa rin
niya ang hindi pagdalo sa reunion ay tiyak na hindi
siya tatantanan ni Rex. Kukulitin at kukulitin
siya nito hanggang sa pumayag siya sa gusto nito.
"I'll mark your word Steven. Bye, gotta go now. I s
till need to fetch Sophia. Dahil baka
iba ang sumundo nun." may halong inis ang huling ka
tagang sinabi nito. "Make sure you'll come
this saturday or else, you'll miss something import
ant" at pagkasabi nun ay pinutol na nito ang
linya.
Naguguluhan siya sa huling katagang sinabi ng kaibi
gan, “...you’ll miss something
important!”
Ano kaya yon? Ay ewan! Ang lalaking yon talaga
. He heave a sigh and shrugged bago
muling itinuon ang atensiyon sa tinatapos na mga pa
peles sa kanyang mesa
IF YOU WANT CHAPTER TWO COMMENT BELOW ♥